Maegan Aguilar binugbog ng live-in partner

maegan aguilar
NALAGAY sa panganib ang buhay ng anak ni Freddie Aguilar na si Maegan matapos diumanong bugbugin ng kanyang live-in partner na nakilala lang sa pangalang Ali.

Kahapon, kumalat sa social media ang mga larawan ni Maegan sa ospital habang nakasakay sa stretcher at may suot na neckbrace. Ang kanyang kaibigan na si Maria Silorio ang nag-post sa Facebook ng mga nangyari sa singer.

Ayon sa message na ipinost nito sa FB, “My Bestfriend Maegan Comet Aguilar recieved this nasty beating as a ‘parting gift’ from her live-in Partner when she firmly tried to end there relationship today.

“Ali’s an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life. Hindi daw po agad2 nagpa blotter or nagsumbong c ate maegan sa brgy o pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko.

“Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya. Sa ngayon po mukhang dislocated ang right arm ni ate maegan at kitang kita din po na lamog sa bugbog at pasa ang likod at hips nya dahil sa pagtilapon sa kanya ni kuya ali ng magpumilit itong umuwi sa condo ni ate kaninang 2:45am. #AteMegsToldMe #ToPostthis #OnPublic,” ayon pa sa kaibigan ni Maegan.

Wala pang opisyal na pahayag si Maegan at ang kanyang ka-live in tungkol sa insidente habang isinusulat namin ang balitang ito. Bukas ang pahinang ito para sa kanilang paglilinaw.

(larawan mula sa Facebook account ni Maria Silorio)

Read more...