ILAN lamang ang tulad ng actor-TV host na si Luis Manzano sa showbiz na kayang-kaya makipagsabayan sa kahit anong talakayan. Kapag siya ang iniinterbyu, mababaw o malalim man ang topic laging lutang ang opinyon ni Luis.
Sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula with Billy Crawford, Matteo Guidicelli, DJ Durano and Marvin Agustin, ang “Moron 5.2: The Transformation” directed by Wenn Deramas under Viva Films, sinagot lahat ni Luis ang lahat ng maiinit na isyu na ibinabato sa kanya.
Kabilang na diyan ang tungkol sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Angel Locsin, ang pagkakasakit ng kanyang ina na si Batangas Gov. Vilma Santos and his political ambitions.
Narito ang kabuuan ng aming interbyu kay Luis.
BANDERA: Ano’ng ginawa nila ni Angel sa Amerika?
LUIS MANZANO: Bakasyon lang kami ni Angel sa San Francisco. At ‘yung best friend niya si Lani, gave birth. So, she wants to visit her best friend. Take care of the baby. Actually, pagdating namin doon, the night before nanganak na si Lani.
B: Nasolo niya si Angel sa US?
LM: Kasama namin Ate niya.
B: Hindi naman ‘yun honeymoon?
LM: Hindi! Honeymoon agad-agad!?
B: Naiisip na ba nila ni Angel na magka-baby na?
LM: Very casual, yet meaningful talks, uh, behind it. Kumbaga, we never sat down na, ‘Okey, ganito, ganyan.
B: Gusto ba nila baby muna bago kasal?
LM: Ideally, mas maganda sana kasal muna.
B: With no malice, do they engage in pre-marital sex?
LM: No malice but with respect, I choose not to answer.
B: What if may biglang mag-claim na anak niya?
LM: Pa-DNA ko siyempre.
B: Hindi ba siya naniniwala sa sinasabi na “lukso ng dugo”?
LM: Hindi, DNA talaga para malinaw at sigurado.
B: Palagay naman kaya niya may naanakan siya noon?
LM: Hindi, wala. Alam ko wala.
B: Ilan ba ang naging girlfriend niya?
LM: Kung formal na girlfriend, ‘yung iba kasi mga exclusively dating, going out for a while, ‘yan si Anne (Curtis) ‘yun. Pero hindi naging kami. Toni? Basted ako kay Toni naman. ‘Yung naging kami, si Nancy (Castiglione). Ah, si Jen (Jennylyn Mercado).
B: Bakit ang haba ng gap between Nancy and Angel?
LM: Hindi, may tumalon kasi. ‘Yung kay Nancy, college, dalawang college girlfriends. Tapos ah, Angel, Jen, then, Angel.
B: Wala siyang naka-one night stand?
LM: May anniversary kami, ang pangit naman noon, ‘Uy, anniversary ng one night stand natin ngayon.’ Ha-hahaha! Marami na rin akong nagawang kalokohan (so, wala siyang night one stand?). Hindi ako nagmamalinis.
B:Sure siya na walang nabuo sa mga nagawa niyang “kalokohan?”
LM: Oo, wala talaga.
B: Naniniwala ba siya sa pre-nuptial agreement? May magaganap bang ganyan sa kanila ni Angel?
LM: Good question ha. Parang hindi rin. Honestly hindi rin ako naniniwala. Kung may tiwala ka sa tao, kumbaga, kilala ko si Angel. Definitely, she’s not after my money. Mas maraming pera sa akin si Angel. Oo, I’m man enough to admit (na mas maraming pera si Angel kesa sa kanya).
B: May mga negosyo naman siya ‘di ba?
LM: Sabi ko nga, malayo ang TF ng isang leading lady of that caliber gaya ni Angel sa isang TV host…. napakalayo! Kunyari ‘yung TF to TF namin? Endorsement to endorsement? Putsa, ang layo!
B: Nakita na ba niya ang TF ni Angel?
LM: Nababalitaan ko within the industry, ang layo. Kaya nga sabi ko, ah, hindi naman after si Angel sa pera ko.
B: What about him? E, kung siya ang papirmahin ni Angel ng prenup?
LM: Hindi ako, oo nga ‘no? Mukhang kailangan ko siyang i-brainwash na mag-prenup ‘no? Mamaya gagawa na ako ng draft (biro ni Luis). Kasi the way I know it, she’s very logical.
Okey, eto ‘yung pag-aari mo, eto ang pag-aari ko, we split here. As of this point, I don’t see the point, ha. Ah, at this point, I don’t see a point for a prenup.
B: Ano ang theme song nila ni Angel?
LM: Wala kaming official theme song. Ang ginawa ko na lang na theme song is ‘Forevermore’ ng Side A. Ako na lang ‘yun. Noong birthday ko kasi, si Angel ang gumawa noon, sinurprise niya ako.
Nu’ng surprise niya sa akin pinatugtog niya ‘yung Side A sa bahay ko. Favorite ko ang Side A and of course, ang anthem nila is Forevermore talaga ‘di ba?
B: If ever, saan gagawin ang wedding nila ni Angel?
LM: Baka mall lang. Ha-hahaha. Sabi ko nga, sobrang intimate lang ng wedding namin. Gusto ko, sa Adoration Chapel, ang konti, hahaha! Church…. church naman talaga.
Kaya nga sinasabi ko, of course, iba ‘yung sanctity ng isang wedding. Pero nu’ng dumalo ako sa wedding ni Iya (Villania) at ni Drew (Arellano) doon sa beach, ang ganda rin. You know, the way I see it God is
everywhere. We’ll talk about it.
B: Possible ba na dalawang beses silang magpakasal ni Angel, isa sa church at isa sa beach?
LM: Sagot niya ‘yung isa, sagot ko ‘yung isa. Ha-hahaha! I respect her faith din naman kaya I can’t impose na sa church tayo. So, kumbaga, it’s one of the things we have to talk about when the time comes.
B: Kailan siya magpo-propose ng kasalan kay Angel?
LM: Work muna, but yes, showbiz pakinggan pero kasi may two movies siya. Siguro engagement muna. Maybe, maybe, ha. This is a big maybe, next year.
B: Opinyon ng iba, mas okey daw sa mga botante ang politician ang may sariling pamilya kesa sa mga binata pa. Agree ba siya diyan?
LM: E, ang Presidente natin walang asawa. At napaka-unfair naman, ginamit ko si Angel sa pagtakbo ‘di ba? Magpapakasal ako dahil mahal ko ‘yung tao at hindi dahil gusto ko magmukha kaming pamilya sa mga botante.
B: Bukod sa balitang tatakbo siyang Mayor ng Lipa sa susunod na eleksyon, maugong din ang usap-usapan na may influential person na mas gusto na siya ang humalili kay Gov. Vi bilang Governor ng Batangas. True ba?
LM: Marami akong naririnig na ganoon. Kung may lumapit na ba sa akin with that proposal? Wala pa. I’m open to serve. If it calls for me na mag-serve bilang isang Governor or bilang isang Mayor, I’m open to serve.
B: Alin ang mas preferred niya, ma-appoint bilang Cabinet Secretary or maging public official?
LM: Parang ako I would prefer direct local position. Kasi may direct ka sa tao, ‘yung elected by the people.
B: Totoo ba na tatakbong Senador si Gov. Vi next election?
LM: Dati pa siyang nababalitang tmakbo, sinasabi rin Vice Presidente siya ‘di ba? Pero sa ngayon, wala pa talaga.
B: With regards to his showbiz career, ten years na siya sa industry. Given a choice between hosting and being a comedian, saan niya mas gustong mag-focus?
LM: Wow! Host, kasi I get to be a comedian while hosting. Kasi na-style ko naman, e. Hindi ako ‘yung, you don’t watch me host, you don’t expect me as a serious host, intense host. I’ll be the host para mangulit.
B: Being one of the morons sa “Moron 5.2,” paano niya madi-differentiate ang role ni John Lloyd Cruz sa “The Trial” as mentally challenged person sa role niya sa latest comedy movie ni Direk Wenn?
LM: Ang layo naman. Unang-una ‘yung kay Lloydie …very serious. I think there’s a lighter connotation naman ang moron. Si Lloydie kasi was mentally challenged, you’re not supposed to make fun of them, nor consider them funny.
Kumbaga, given a different set of playing cards, paarang ganoon. So, they’re not supposed to be a punchline. Iba ‘yung mentally challenged because they view things differently.
So, moron naman kasi is simple tanga. Mahina ang pickup, hindi nakakaintindi. Iba ‘yung mahina ang pagkakaintindi kesa iba ang pagkakaintindi.
B: Marami ba siyang ginawa na stupid things sa buhay niya at pinagsisihan niya?
LM: Marami na, oo. Pero pinagsisihan? Not necessarily, kasi we wouldn’t be having this conversation kung hindi ko nagawa ang mga mali na ‘yon. Like something very simple, something very big. Lahat na ‘yun, e.
B: Would you say na ‘yung pagbabalikan ninyo ni Angel is something stupid?
LM: No, of course not. It’s a blessing. ‘Yung pagkaka-break siguro namin. Pero siguro kung hindi kami nag-break noon malay natin baka nag-break na kami ng tuluyan? Malay mo? You’ll never know.
B: Ano pa ang gusto niyang magawa sa kanyang showbiz career?
LM: Focus more on hosting and hopefully, magkaroon ng isang Best Actor award. Kasi ano naman, I’ve been blessed naman as a host. Nakaka-ilan na ako (ng award sa hosting), naka-isang Best Supporting Actor na ako.