Vicky Morales tinanggal sa Saksi, pinalitan ni Pia Arcangel
Simula ngayong Lunes, hatid ng GMA News and Public Affairs ang malaking pagbabago sa mga award winning newscast partikular na sa 24 Oras, Saksi, at midday news bulletin na Balitanghali sa GMA News TV.
Ang formidable at time-tested tandem ng 24 Oras na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez ay madadagdagan na dahil makakasama na nila ang veteran journalist na si Vicky Morales bilang bagong co-anchor.
Sa kanilang pinagsanib na puwersa matutunghayan ang hindi mapapantayang triumvirate sa primetime news. Ngayong Lunes din matutunghayan ang rebranding at pagbabago ng lahat ng GMA regional newscasts bilang kaisa ng 24Oras, na maghahatid rin ng mga balita sa buong kapuluan na ayon sa kalidad ng 24Oras.
Makakasama naman ni Arnold Clavio sa late-night news source na Saksi si Pia Arcangel bilang bago niyang co-anchor. Ang seasoned broadcast journalist naman na si Connie Sison ang makakasama ni Raffy Tima bilang co-anchor sa midday newscast na Balitanghali, na napapanood araw-araw sa GMA News TV.
Ang weekend news program naman na 24Oras Weekend ay pangungunahan pa rin nna Jiggy Manicad at Pia Arcangel, samantalang sina Mariz Umali at Jun Veneracion ang makakasama pa rin sa Balitanghali Weekend.
“These changes reflect our goal to inject a new dynamism to our newscasts, while still remaining true to our commitment to Serbisyong Totoo— the hallmark of GMA News and Public Affairs,” ayon kay Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores.
Mapapanood ang 24 Oras mula Lunes hanggang Biyernes pagsapit ng 6:30 p.m. at Saksi tuwing 11 p.m.. Samantala, ang 24 Oras Weekend ay matutunghayan simula 5:30 ng hapon tuwing Sabado at Linggo sa GMA.
Mapapanood naman simula 11:30 a.m. ang Balitanghali mula Lunes hanggang Biyernes habang ang Balitanghali Weekend ay nagsisimula ng alas dose ng tanghali sa GMA News TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.