Matteo: Mahal na mahal ng pamilya ko si Sarah!

sarah geronimo
INAMIN ni Matteo Guidicelli na matagal na niyang gusto si Sarah Geronimo. Hindi pa sila masyadong close noon nang makita niya sa Pop Princess ang mga qualities na hinahanap niya sa isang babae.

Pero kuwento ni Matteo, hindi sila nagkaroon ng chance na magkakilala nang husto nu’ng mga panahong ‘yun dahil may kani-kanya silang proyektong ginagawa, hanggang sa magkasama na nga sila sa isang movie noon kasama si Gerald Anderson.

And as they always say, the rest is history!  Sa nakaraang episode ng Kris TV, siniguro ni Matteo na maligayang-maligaya siya sa piling ni Sarah, at super proud daw siya sa kanyang girlfriend, “She’s cool, she’s getting to be, she’s growing up kumbaga.”

Sa tanong kung anu-ano ang mga ginagawa nila ni Sarah kapag sila’y magkasama, “Dinner, dinner lang. Hopefully, she promised me the next Iron Man she’s going to be there next year, hopefully she will to support, August yata,” ngiti ng binata.

Ibinandera rin ng TV host-actor na labs na labs ng family niya ang kanyang GF, “Oh they love her, they love her, yeah.”
Dinededma na lang daw ni Matteo ang mga namba-bash sa kanya na nagsasabing ginagamit lang niya ang Popstar, “My intentions are good naman di ba? Nothing to be afraid of,” anang binata na nagsabing sa pagsama-sama niya noon bilang guest sa mga concert ni Sarah abroad mas lalo siyang na-in love sa aktres.

“I knew na 5 or 6 years ago pa, I liked her already. Tapos ‘yun, things happened for a reason and our paths crossed again. Tuloy, tuloy na,” chika pa ni Matteo.

Hirit pa nito, “I bumped into her. She’s very simple parang she won’t even look parang ah ganoon ha, very shy. Hindi ako na-cha-challenge but I’ve always found her beautiful and charming.”

Read more...