Daniel pinarangalan bilang bagong ‘BAYANI’

daniel padilla
SIGURADONG nagpipiyesta na naman ang fans ng Teen King na si Daniel Padilla matapos siyang parangalan sa nakaraang “Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan” concert na ginanap sa Quezon City Memorial Circle noong Biyernes.

Bukod kay Daniel, pinarangalan din ang kanyang inang si Karla Estrada dahil sa ginawa nilang pagtulong sa mga Yolanda survivors. Kung matatandaan, mismong ang mag-ina ang nag-organize ng isang free concert at relief operations para sa mga biktima ng super typhoon.

Ang handumanan ay salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay tribute o pagbibigay parangal. Ito’y bilang paggunita nga sa trahedyang naganap sa bansa dahil sa bagyong Yolanda kung saan libu-libong Pinoy ang nasawi.

Nais ng organizers ng Handumanan na pasalamatan ang lahat ng mga nagbigay ng tulong para muling makabangon ang mga survivors.

Read more...