Zoren: Feeling ko nangalawang na ang akting ko!

zoren legaspi
Puring-puri ng mga manonood ang dalawang magagaling na aktor sa teleseryeng Forevermore – ang tinutukoy namin ay sina Joey Marquez at Zoren Legaspi.

Si Tsong ang masayahing tatay ni Liza Soberano habang si Zoren naman ang mahigpit na ama ni Enrique Gil. Natanong sa isang interview ang dalawa kung bakit sila napapayag mag-join sa nasabing serye at maging support sa bagong loveteam nina Liza at Enrique, ang tugon ni Joey, “Unang una, sabi ko it’s something I really want to experience.

Number one, yung makatrabaho ko yung mga bagong bata.  “Akala nila kasi, porke matagal na kami sa movies eh okay na kami, magaling na kami, (pero) hindi.

Kasi matututo kami sa kanila without them knowing it, mas matututo kami sa kanila kaysa sa matututo sila sa amin because they have the era today as we have to adjust, never-ending learning yan,” hirit pa ng komedyante.

Sey naman ni Zoren na ngayon lang ay kinaiinisan na ng fans ni Enrique dahil nga sa pagiging istrikto nito at walang ibang nasa isip kundi ang kanilang negosyo,  “Medyo pihikan ako pagdating sa roles.

Kung mapapansin niyo nga, I haven’t been doing shows like this teleserye.  “Noong nag-guest ako sa MMK, I wasn’t happy with my performance pero okay naman sa direktor pero ako, sabi ko, ganu’n pala ang artista, nangangalawang.

So sabi ko, kailangan ko nang bumalik. Tamang-tama naman, maganda naman yung opportunity,” pahayag pa ng mister ni Carmina Villaroel.

Dagdag pa ni Zoren, “Kaya ako napapayag kasi I want to enhance again my talent, kasi napansin ko mangangalawang ka, lalo na sa memorization ng dialogues kasi iba yung script.”

Ang Forevermore ay sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hawak Kamay.

Read more...