Kris, Ai Ai magkikita sa kasal nina Marian at Dingdong: Magkakabati o magdedemandahan??

aiai delas alas
KUNG kinuha raw at napapayag na maging ninong sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes si Kris Aquino, balitang kasama rin sa entourage ng future husband and wife si kagandahang Ai Ai delas Alas.

Napakatagal ng mga buwan ang inilakbay ng “cold war” nina Kris at Ai Ai kaya’t marami ang nagsasabi na posibleng maging venue for reconciliation ng dating mag-friendship ang kasal ng GMA royal couple.

“Sinadya man o nagkataon, maganda pa ring opportunity yun, di ba? Sana nga matapos na ang away nila, tutal magpa-Pasko na,” hirit pa ng isang common friend ng dalawa na nagsasabing pasasaan ba’t sa pagbabati rin mauuwi ang lahat.

Well, we also wish for it pero knowing them both na hindi nagpapapilit o nagpapaapekto sa tuksuhan, tiyak naming magbibigay sila ng pagkakataon na pag-isipan ang kanilang paghaharap o pagkikita sa wedding event of the year!

Read more...