Richard, Maricar kinakarir na ang paggawa ng baby

maricar reyes
From Richard Yap, si Richard Poon naman ang pag-usapan natin. Ngayong tapos na ang teleserye ng misis niyang si Maricar Reyes, siguro naman they have time na para makapag-focus sila  to have na their firstborn.

Huli naming nakausap si Richard sa taping ng ASAP weeks ago at inamin niya na gusto na niya talagang magka-baby. Pero super busy pa that time si Maricar sa soap niya at kapag dumarating ng bahay ayaw naman siyang “gambalain” ni Richard.

Knows kasi ni Richard na “Pagoda Philippines” (read: pagod) na si misis and she needs to rest pagdating ng bahay. Kaya hinahayaan na lang niya itong matulog nang matulog.

Diretsong sinabi ni Richard sa amin na kung bibiyayaan sila ng baby, mas gusto niya talaga lalaki. Very Chinese ‘no? “Hindi naman, lalaki ang gusto para  kuya talaga. ‘Yung he can take care of his siblings,” tsika pa ng singer.

Days after that ay nakatsikahan naman namin ang character actress na si Janice Jurado. According to her, nabenta na pala ng tatay ni Richard ang restaurant nila na Mr. Poon sa may Banawe sa Kyusi.

And knows ninyo ba kung sino ang nakabili? Well, ‘yung  anak na lalaki ni Janice na naging chef din mismo sa Mr. Poon. Nagtrabaho for a long time sa isang sosyal na restaurant sa Dubai ang anak ni Janice kung saan doon na rin nakapag-asawa. Rich daw ‘yung girl na naging asawa ng anak ni Janice na taga-Dubai.

Habang eto naman palang si Janice na dating sexy actress ay may bonggang trabaho rin pala. She’s the head ng staff ng mga bingguhan sa mga mall.

Proud si Janice to say na mabuti na lang daw at nakapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pumasok sa showbiz noon.

Read more...