PAULEEN kinawawa ng DABARKADS ni BOSSING

Pera at kasikatan lang daw ang habol niya sa host ng Eat Bulaga

KAWAWA naman itong si Pauleen Luna! Puro na lang kasi kanegahan ang ibinabatong chika sa kanya, lalo na ‘yung ilang mga dabarkadsna ayaw at kontra sa rumored relationship nila ni bossing VicSotto.

Kahit sa aming radio program na “Klik Showbiz” (kasama ang friendship naming si Jenene) sa DZIQ 990AM (Radyo Inquirer) tuwing hapon ay puro batikos ang inaabot ni Poleng.

Kesyo tantanan na raw niya si Bossing dahil hindi naman sila bagay, kesyo ginagamit lang daw niya si Vic dahil hindi na siya kasikatan, at kung anu-ano pang masasakit na paratang.

Pero ang talagang hindi namin kinaya ay ang patuloy na pagsasabi ng kanyang mga detractors na pera lang ang habol niya kay Bossing, as in “gold digger” daw ang TV host-actress

Siyempre, kahit paano’y ipinagtanggol namin si Poleng dahil hindi pa naman natin siya pwedeng husgahan dahil nga wala pa tayong naririnig na official statement mula sa kanya.

In fairness, nananatiling tahimik sina Pauleen at Bossingtungkol sa kanilang relasyon.

At sa kabila nga ng mgamalilisyosong paratang kay Poleng, dedma pa rin siya hanggang ngayon.

At mukhang ayaw na niyang patulan ang mga taong naninira sa kanya. Sa isang interview, sinabi ni Pauleen na hindi na niya kailangang ipagtanggol ang sarili niya sa mga pambabatikos dahil alam naman daw niya kung ano ang totoo.

“So I just like to keep my privacy this time for myself,” ang mahinahongchika ni Pauleen.

At sa tanong kung pinoprotektahan lang ba niya si Bossing sagitna ng mga issue sa kanila kaya dedma lang siya, ang tugonni Pauleen, “Wala. Yun nga, I’d like to keep this part of my life private for now. I mean, I hope people will understand.”

Pero siyempre, tao lang daw siya na nasasaktan, at kahit paano ay nahe-hurt siya sa mga akusasyon laban sa kanya.

pauleen luna, Pero aniya, nirerespeto niya ang opinyon ng ibang tao at bahala na raw ang mga ito kung ano ang gusto nilang isipin.

Read more...