LAST Saturday evening ay dumalo kami nina Ernie Enrile, Boy de Leon ng Malinta and Romel Galapon sa 22nd birthday celebration ni Papa Aljur Abrenica sa bagong developed na Patio Alfonso Resort sa Batangas City na kanilang pag-aari. Medyo late na kaming dumating dahil dumaan pa kami earlier sa Golden Bay Resto (malapit si Mall of Asia) para mag-crash dinner with Mama Cely Wong and her family.
Naadik kasi kami sa pagkain ng Golden Bay lalo na sa steamed shrimps nila at yung sikat na desert called Snow Lady na paborito ni Lito “Yanggaw” Alejandria.
Anyway, after that, we took the excitement patungo sa birthday party ni Papa Aljur sa kanilang family-owned resort.
Nakakaloka dahil dalawang beses na kaming nakapunta roon ni Romel Galapon pero first naligaw-ligaw pa rin kami.
Nakarating kami sa SM City na super layo na sa resort na iyon.
Sinabihan ko nga si Ernie na baligtarin ang suot niyang shirt at baka may naglalaro sa aming bad spirit, di ba?
Anyway, masaya naming nadatnang kumakanta si Papa Aljur sa covered stage na itinayo nila malapit sa poolside.
Ang daming tao – talagang palakpakan sila sa performance ni Papa Aljur. Hinayang na hinayang nga kami dahil hindi namin naabutan si daddy Jojo (father ni Papa Aljur) na nag-perform.
Band singer kasi di daddy (they played for the longest time during his prime sa Olongapo at pag sinabing galing Gapo ang isang banda before, talaga namang top of the line).
Sinalubong kami ng maganda at butihing ina ni Papa Aljur na si Mommy Amor Abrenica, kasama siyempre ang younger siblings niyang sina Bimbim (na malamang na mag-aartista na rin dahil napakaguwapo nito at one month na lang ay magtatapos na sa kanyang culinary course), Aliya at ang bunsong si Allen na nag-birthday rin last March 18 kaya joint celebration na ang nangyari that night.
Grabe ang pagbaha ng pagkain at inumin at prominente siyempre ang San Mig Lights na siyang ini-endorse ngayon ng guwapo nating hunk idol.
Namataan namin sa party sina Marissa Sanchez, Rhian Ramos and Moymoy Palaboy who is very close to Papa Aljur.
Sarap ng kuwentuhan namin nina Papa Aljur and his co-star sa “My Kontrabida Girl” na si Rhian.
Napakaganda pala ng batang ito, first time ko siyang nakaharap and we had so much fun. Same with our small talk nina daddy Jojo and Mommy Amor.
I just love this couple so much, napakabait nila. Bihira lang kasi kaming magka-chance na makausap sila kaya we took the opportunity to enjoy our moments with them.
Bongga ang resort nina Papa Aljur.
Meron itong malaking swimming pool and 25 rooms na puwedeng i-rent at P2,500 per room/night.
Sa gilid naman nito ay may bar kung saan may regular band performers including daddy Jojo na napakaraming fans dahil sa galing mag-show.
We promised na pupunta uli kami roon one of these days. At wish naming makasama sa swimming sina Papa Aljur and his brother Bimbim. Ha-hahaha!
Ang lalandi namin, di ba? Hindi naman yata talaga swimming ang hangad namin sa Patio Alfonso kundi ang makita ang magkapatid in their skimpy trunks, ‘no! Ayaw ni Madam Elya ng ganyan. Ha-hahaah!
Anyway, past 1 a.m. na kami umuwi pabalik ng Manila.
Doon kami mukhang na-disturb when we were on our way home. Kasi nga, yung pagkahaba-habang Star Tollway (from Batangas City down to Calamba exit – imagine kung gaano kalayo iyon, ha!) ay sobrang dilim talaga.
Wala kang poste ng ilaw na makikita sa more than 30 minutes fast drive mo.
Ganoon kadilim ang kalye at balita namin ay napakarami nang nahaharang sa tollway na ito.
May mga nasa-salvage pa nga raw doon.
Malaking tulong pa naman sana ang shortcut patungong Batangas City na ito dala ng Sar Tollway pero bakit hindi man lamang nila nilagyan ng ilaw?
“Teka lang, hindi ba napapadaan dito sa gabi si Gov. Vilma Santos? Bakit hindi niya palagyan ng mga poste ng kuryente ang highway na ‘to? Matagal na kaming dumadaan dito at wala talagang ilaw.
Anong ginagawa ni Vilma, e, siya ang gobernador dito? Akala ko ba’y pinarangalan na naman siya recently as one of the six best governors ng Pilipinas?
Paano ka magiging one of the best governors kung ang isang highway lang sa lugar mo ay hindi mo mapalagyan ng ilaw para sa kaligtasan ng mga motorista?” tanong-talak ng isang kasama namin.
Minsan ko nang natanong si Gov. Vilma Santos when I passed by this area last year at ang sabi niya that time, hindi kasi niya departamento ito, DPWH concern daw ito kaya aayusin daw niya. That was last year pa. Anong nangyari?
My gosh! Kung kayo ang dadaan sa highway na ‘yun, talagang matatakot din kayo.
“Matagal na iyan, pero parang nakalimutan na nilang ayusin.
Kailan pa ba sila kikilos? Pag malapit na ang eleksiyon? Kaloka ang lola mo,” talak naman ng isang kasama namin.
Dapat masolusyunan nga niya iyan agad, isang magandang “healing” iyan for her regime.
Sana lang she takes this as a challenge at hindi niya masamain.
It’s for everyone’s good after all. Next year ay eleksiyon na naman. Alam n’yo na.