Pumayat na nang bahagya ang anak-anakan naming si JM de Guzman nang muli namin itong makasama sa presscon ng 2014 Cinema One Originals Film Festival na magsisimula na ngayong Nov. 9 at tatagal hanggang Nov. 18.
“Gym, exercise, diet gaya ng sabi mo last time Sir Ambet,” sagot nito sa amin sabay segue sa mga encounters namin sa UP Diliman oval kung saan madalas din kaming mag-jogging at magkita kaya nagkatawagan kami ng “Sir”.
Anyway, since his announced comeback (remember yung mahabang tsikahan na na-i-share namin dito with JM, direk Cathy Garcia-Molina and Richard Gomez?), malaki ang nakita naming improvement kay JM as he seemed to have gotten back his confidence and coolness.
“Pero may mga moment pa rin Kuya Ambet na grabe yung challenge ko sa sarili ko dahil yung environment at ibang tao, alam mo na,” nangingiti pa nitong tsika na tila bangungot pa rin ang dala kaugnay ng kanyang pinagdaanan.
Siya nga raw mismo ang nagtsa-challenge sa sarili niya na maging consistent sa pagbabagong-buhay dahil aware raw siyang napakaraming mga mata ang nakatutok sa bawat kilos niya ngayon.
Super thankful ang magaling na aktor na sinabi nga naming parang hindi naman nawala ng matagal base sa klase ng performances na napanood namin sa kanya sa MMK, Ipaglaban Mo at sa seryeng Hawak Kamay, “Focus, focus, focus,” paulit-ulit nitong sagot at sabay wish na sana ay magtuloy-tuloy na ang mga blessings sa kanya.
Sa Cinema One entry na “That Thing Called Tadhana” ay first time niyang makatrabaho si Angelica Panganiban. High praises si JM sa husay makisama at galing nito as an actress. Natawa nga lang siya sa biro namin kung nagkaroon ba ng chance during their shoot na mayaya siya ni Angelica na mag-inuman, na isa nga sa mga classic jokes tungkol sa aktres, “Naku wala po,” nakatawang sagot ni JM na umaming siya na mismo ang umiiwas at nagbabawal sa sarili na uminom, kahit tikim lang.