Umaani ng papuri si Liza Soberano dahil sa magandang performance niya sa seryeng Forevermore sa Primetime Bida ng ABS-CBN opposite Enrique Gil.
Base sa mga nababasa naming comment sa social media, bagay na bagay daw kay Liza ang role niya sa serye kahit na Inglisera at mestisa siya. Sabi pa nga ng isang loyal viewer ng Forevermore, walang duda raw na siya na ang papalit sa iniwang trono ni
Kristine Hermosa sa Kapamilya network na matagal nang nabakante.
At in fairness, kahit ang mga pinsan namin sa Genesis Royale Subd. sa Cainta ay adik na adik na sa Forevermore, bukod daw kasi sa magagaling umarte ang buong cast at sa ganda ng kuwento, refreshing daw sa kanilang paningin ang magagandang tanawin sa Baguio at Benguet.
Kasama rin sa Forevermore sina Zoren Legaspi, Lilet, Marissa Delgado, Kit Thompson, Joey Marquez at marami pang iba, sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.