Charice tsnugi ang Manager, may sangkot na milyun-milyong piso

charice pempengco
Tsinugi na ni Charice ang kanyang manager na si Glenn Aldueza dahil sa isyu ng pera.

Sa kanyang Instagram account idinaan ng international singer ang paga-announce tungkol sa paghihiwalay nila ng landas ni Glenn. Aniya sa kanyang post, “Hello everyone, Just letting you know that Mr. Glenn Aldueza is no longer my Manager.

My apologies to all the people who have been trying to contact the management and getting no answers.”We are going to announce my New Management/Team/Website/Projects as soon as possible and I am very excited about it.

You can send your email to charice. entertainment@gmail.com for bookings, etc. Have a nice day!”  Kumalat sa social media ang ilang mga rason kung bakit biglang tinanggal ni Charice ang manager na galing daw mismo sa ninong ng singer na si Robert. Diumano, may mga “anomalyang” ginawa ang talent manager sa pamilya Pempengco.

Isa na nga rito ang nawawalang pera ni Charice na pambayad sa isang lote kung saan inilibing ang kanyang tatay. Hindi naman diretsong inakusahan nina Charice ang dating manager tungkol sa nawawalang pera, sa ngayon inaalam pa raw nila kung saan napunta ang sinasabing milyones na nawawala.

Bukod dito, may balita ring binastos ng manager ang nanay ni Charice na si Raquel.Ito na ang ikalawang pagkakataon na kumalas si Charice sa kanyang manager, una siyang  umalis sa pangangalaga ni Grace Mendoza bilang business manager.

Bukas ang pahinang ito para naman sa panig ni Glenn Aldueza na nananatiling tahimik lang sa isyu.

Read more...