Mary Christine inurong na ang kasong pakikiapid laban kina Derek at Angelica

mary christine jolly

LUSOT na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa kasong pakikiapid. Ito’y matapos ngang iurong ni Mary Christine Jolly ang concubinage case laban sa kanyang estranged couple.

Kasabay nito ang pagkumpirma ng dalawang panig na nagkaroon nga ng legal settlement sa mga kasong kinasasangkutan nila, partikular na ang kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children laban kay Derek

Ayon sa kampo ni Mary Christine, isa sa mga napagkasunduan ay ang pag-urong sa  concubinage complaint laban kina Angelica at Derek.

Mismong si Atty. Argee Gueverra ang nagsabi na nagkasundo ang estranged couple na tapusin na ang kanilang legal battle para sa kapakanan ng kanilang anak na si Austin.

Sey pa ni Atty. Argee naniniwala siya na mas makabubuti para sa magkabilang panig ang magkaroon na lang ng amicable settlement para masiguro ang maayos at magandang future ng kanilang anak.

Tungkol naman sa sinasabing milyun-milyong pisong ipinangako ni Derek kay Mary Christine kapalit ng pag-urong ng kaso, ayaw nang magsalita ng mga taong involved about this.

Pero ayon sa isang source, nakuha ni Mary Christine ang matagal na niyang gusto mula sa dating asawa kaya biglang lumambot ang puso nito.

Read more...