Jolina kay Marvin: Hindi niya ako sinabihan ng I Love You!

marvin agustin
Aliw pa ring pagmasdan sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, nandoon pa rin kasi ‘yung magic ng kanilang loveteam, patok pa rin ang mga batuhan nila ng punchlines kaya naman tawa nang tawa ang enterainment press sa pocket presscon ng Flordeliza.

Matagal na panahon ding hindi nakita sa ABS-CBN ang dalawa kaya na-miss talaga ng mga Kapamilya ang tambalan nila. Tulad sa tanong ng marami kung naging magkarelasyon ba talaga sila dahil never nilang inamin ito ng pormal noon.

Kaagad na sumagot si Marvin, “Naging kami.” Salag ni Jolens, “Hindi no!” Nakakatawa kasi hanggang ngayon pala ay pinaninindigan pa rin ni Jolens na hindi naging sila ni Marvin.

Sa totoo lang bossing Ervin, alam namin na talagang naging sila pero hindi lang pinaamin noon ng tatay ni Jolina kaya siguro pinanindigan na lang ng aktres.

Kaya nga ang tanong ni Marvin kay Jolens, “Idine-deny mo pa rin ako hanggang ngayon?” kaya tawanan ang lahat ng nasa presscon.

Ang katwiran ni Jolina kaya para sa kanya ay never naging sila ni Marvin, “Ganito ha, na-in-love ako sa kanya, pero kaya ko sinasabing hindi (naging kami), nag-a-I love you ako sa kanya pero hindi siya sumasagot.”

‘Yun naman pala. Sa pagkakaalam namin kasi ay priority ng aktor ang career nila pareho dahil ng mga panahong iyon ay talagang struggling artists sila lalo na sa parte ni Marvin na make or break ang drama noon sa showbiz.

Katwiran ng aktor sa sinabi ni Jolina, “Eh naging kami talaga, eh. Sa puso ko at sa utak ko.” Pero balik-tanong kay Marvin, bakit nga hindi siya nagsasabi ng ‘I love you’ kay Jolens?

Biglang hirit ni Jolina, “Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang isinagot mo?” Na mabilis kinontra ng aktor, “Check mo ’yung mga messages mo.”

Susme, parang walang nabago sa dalawang ito pagdating sa hiritan, in fairness, nandoon pa rin ‘yung kulitan nila na hinahanap ng tao.

Samantala, pinakuwento naman sa dalawa kung paano sila nakabalik sa ABS-CBN, “Maganda ang timing, ’yun lang ang masasabi ko sa lahat ng nangyari.

Ang bilis lang, eh. So parang destined talaga siya. At saka nami-miss ko na rin ’yung mga dating katrabaho ko rito sa ABS-CBN,” kuwento ni Jolina.

Ayon naman kay Marvin ay si Ms. Linggit Tan ang tumawag sa kanya at tinanong kung saan siyang network ngayon, “Sabi ko, wala kasi medyo busy ako ngayon, kakatapos lang (mag-shoot) ng ‘Moron 5.2’, medyo ang dami kong napabayaan sa negosyo.”

Pero say daw ng TV executive, “Sabi niya, ‘Nak, kailangan nating mag-usap.’ Sabi ko, ‘sige po, next week po puwede tayo mag-meet.’ Sabi niya, ‘hindi, hindi pwede next week.’ Sabi ko, ‘bakit po,

Wednesday na ngayon,’ sabi niya, ‘bukas, puwede ka? Kailangan tayong mag-meet bukas kasi next week, kailangan ka nang mag-shoot.’”

“Then, I sat down with her, sabi ko, ‘kinakabahan ako Tita Linggit sa ikukuwento mo,’ then I fell in love with the story. And she told me that I might be working with Jolina,” sabi pa ni Marvin – and the rest is history, ika nga ng kasabihan.

Read more...