KATRINA: Ayokong makita ang tatay ng anak ko!

Hindi raw maarteng magbuntis si Katrina Halili, hindi rin daw siya mapaghanap ng kung anu-ano ngayong naglilihi nga siya sa kanyang first baby.

Three months na ang ipinagbubuntis ni Katrina at kung siya raw ang tatanungin, mas type raw niya na girl ang maging baby niya.

Say ni Katrina, hindi raw siya nahihirapan sa kanyang pagbubuntis, “Nung two months pa lang, mga one week ako hindi nakapaglakad, sobrang masakit kasi ang likod ko.

Pero ngayon, okay na po.”

Ang gustung-gusto raw na ginagawa ngayon ng sexy actress ay magluto, “Siguro mga two months, pagkagising ko at bago ako matulog, luto lang ako nang luto.

Mga kare-kare, kaldereta, yung mga hindi ko alam lutuin, tina-try kong lutuin.

Sa isang araw, mga tatlong putahe ang niluluto ko!” kuwento pa ni Kat sa interview sa kanya ng Startalk noong Sabado.

Inamin din niya na mas gusto niyang magluto kesa makita ang tatay ng anak niyang si Kris Lawrence, “Actually, nahirapan din siya kasi parang feeling niya, wala siyang kuwenta kasi ayoko siyang makita.

Gusto ko magluto lang nang magluto, ayaw ko paistorbo!” natatawang chika pa ng aktres.

Tungkol naman sa kasal, hindi pa raw nila ito pinag-uusapan ni Kris, “Hindi naman po namin kailangang i-rush.Like sabi nga po ng Papa ko, hindi porke’t may nangyaring ganyan, e, kailangan ma-pressure si Kris na pakasalan ako.

Ako rin, ayoko muna kasi ibang usapan na po yung kasal.”

Anyway, suportado naman daw ng GMA ang kanyang kalagayan, sa katunayan hindi nga raw siya pinayagan ng production ng seryeng My Beloved na mag-resign sa show.

Ani Katrina, nagpaalam na raw siya sa mga bossing ng network at nagsabing tanggaling na lang siya sa serye.
Pero hindi raw siya pinayagan, gagawan na lang ng paraan ng mga writers ang running script para palabasing buntis din siya sa kuwento.

Suportado rin daw ng mga bida sa My Beloved na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes si Kat kaya wala naman daw gaanong magiging problema.

Tingnan na lang natin kung ano ang gagawing remedyo ng mga writers ng My Beloved para hindi maapektuhan ang serye ng pagbubuntis ni Katrina.

Kaya tutukan n’yo na lang ang primetime series na ito ng GMA na napapanood pa rin mula Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot, pagkatapos na ng Legacy.

Read more...