CRISTINE nahuhumaling kay PIOLO

Na-challenge raw sa mga pasabog ni KC

Rayver umaasa pang babalikan siya ni Cristine

ILANG araw nang laman ng mga newspapers ang balitang hiwalay na sina Cristine Reyes at super-guwapo at sexy (sa paningin namin, ha) baby boy nating si Rayver Cruz.

Nagsimula lang daw ang malaking gulo sa relasyon nila nang maging ultra-passionate si Cristine sa paggawa ng teleserye nitong Dahil Sa Pag-ibig dahil nagkakamabutihan raw silang dalawa ni Piolo Pascual.

Nahulog raw ang loob ni Cristine kay Piolo, ayon sa source ko.

Kumbaga, nanabang daw si Cristine kay Papa Rayver dahil nahuhumaling ito nang husto kay Piolo.

Kung totoo man ito, iyan ang malaking pagkakamali ni Cristine sa pagpili ng lalaking makakasama niya for the rest of her life.

Baka one day ay mag-ala KC Concepcion din ito at paiyak na sabihing, “Hindi ko kayang ibigay ang kaligayahang hinahanap niya.” Ha-hahaha!

I tried texting Rayver’s camp regarding the issue pero wala akong nakuhang sagot.

Kasi nga, gusto ko lang ma-confirm kung totoong hiwalay na nga silang dalawa.

Hindi talaga kami nakakuha ng sagot from them.

Pero hindi kami tumigil sa pananaliksik regarding this issue – we talked to some people in the know – as in grabeng imbestigasyon ang ginawa namin. Imbestigasyon daw, Ow!

Imposible naman kasing hindi lumabas ang totoo.

As you gather kasi some facts and details, madali mong mabigyan ng konklusyon ang mga bagay-bagay, di ba?

Hanggang sa meron akong makausap, a common friend nina Rayver and Cristine, hindi ko na lang sasabihin kung sino ang nakausap ko pero kinumpirma nga nitong hiwalay na sina Rayver and Cristine.

“Naaawa nga ako kay Rayver dahil parang umaasa pa siyang bumalik pa si AA (palayaw ni Cristine) sa kanya.

Nagsimula nga ang lahat sa Dahil Sa Pag-ibig.

Hindi ko nga alam kung ano ang pinakain sa kanya at parang humaling na humaling ito kay Piolo.

Between Rayver naman and Piolo, I will take Rayver anytime. Sigurado pa ang kamachohan, di ba?

“Not for anything else, di ba’y naging kuwestiyonable ang gender ni Piolo after ng break-up nila ni KC? Or baka gustong mag-explore ni AA ng something else, bagong challenge sa buhay-pag-ibig niya.

Basta totoo iyan, as in, super confirmed na break na nga sila.

Hindi pa kami nagkakausap ni Cristine sa ngayon pero pag nagka-chance ako, talagang sasabihan ko iyan regarding her wrong choice.
“Wala pa namang linaw kung merong something na between Piolo and Cristine pero parang ganoon na nga,” anang kausap natin na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Nakakapanghinayang namang relasyon, akala nga natin ay aabot sila sa seryosohang punto, di ba?

Na one day ay magugulat na lang tayong mag-a-announce silang magpapakasal na.

Kasi nga, they’d been very open sa kanilang relasyon.

Kumbaga, bigla ngang nawala ang pagkatotoy ni Rayver dahil sa relasyon nila ni Cristine.

Parang naging slightly makamundo na rin siya dahil nga sa sexy image ni Cristine.

“Doon din naman pala mauuwi ang relasyon nila ni Cristine, sana nag-stick na lang si Rayver kay Sarah (Geronimo).

Mas naging maganda siguro kung nagkatuluyan sila ni Sarah, parang bagay pa sila.

Mga inosente pa ang dating. Unlike nu’ng napunta si Rayver kay Cristine, parang nag-mature ang image niya,” anang isang fan nina Sarah and Rayver na talagang hinayang na hinayang sa paghihiwalay ng dalawa dati.

Kungsabagay, hindi naman umamin dati sina Sarah and Rayver eh, kaya hindi masyadong naapektuhan ang public sa kanila.

Slight lang napag-usapan at ang itinuturong dahilan ng mga fans kung bakit naudlot ang relasyon nina Rayver at Sarah before ay dahil sa sobrang pagiging pakialamera raw ng nanay ni Sarah na si Divine.

Kaya hayun, it took a while daw bago naka-move on si Sarah. But now, Sarah is entertaining naman another suitor sa katauhan ni Gerald Anderson.

Kaya lang, parang showbiz eclat lang ang ligawan nila, parang pang-promo lang ang dating. Ha-hahaha!

Sa pagkakaalam ko, this is Rayver’s first serious relationship, itong sa kanila ni Cristine Reyes.

Mukhang matatagalan bago maka-recover si Rayver sa hiwalayang ito dahil nagbuhos siya ng sobrang emosyon sa relasyon samantalang si Cristine ay parang sanay nang mag-fall in and out of love, with different men.

Iyon kasi ang projected image ng babae kaya tumatatak na sa kanya ang said image.

“Umaasa pa rin si Rayver na magkaayos sila ni Cristine.

Pero mukhang balewala kay Cristine. Lagi naman silang away-bati before at sobra kung magkulitan.

Pero ngayon ay parang wala lang kay Cristine, parang okay lang sa kanya na break na sila ni Rayver,” anang kausap natin.

Read more...