FEELINGko napakaswerte kong nilalang dahil wala akong Twitter.
Ha-hahaha! Ma-imagine n’yo ba kung meron akong Twitter account?
Kung sinunod ko ang hiling ng mga friends ko like Karen Davila and Ogie Diaz na magbukas ng Twitter account, siguro napakarami ko na ring bashers.
Baka hindi na mabilang ng isang accounting firm. Ha-hahaha!
Kasi nga, napakaraming hindi kagandahang nagaganap sa Twitter ngayon.
Noon ay medyo cute pa – tulad nung bago-bago pa lang ito – sabi sa akin nina Ogie at Karen na napakasaya at super maa-update ako sa mga kaganapan sa showbiz, sa mga whereabouts ng mga artista at kung anu-ano ang mga pinaggagagawa nila.
Noon iyon, medyo cute pa nga pero as time went by, dumami na ang nagka-access sa Twitter – pati mga “demonyo” ay nagkaroon na rin ng accounts.
Hayan tuloy, naging so familiar na sila with everyone – including stars na biktima ngayon ng kanilang mga masasamang tweets.
Pinaka-favorite nilang biktimahin ngayon ay sina Regine Velasquez and Sharon Cuneta.
Nakakaawa si Regine and we felt for her dahil pati ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate ay hindi pinatawad ng mga walang modo at walang pusong tweeters.
They don’t know how to spare innocent souls, wala silang pakialam kahit isang walang malay na sanggol ang idinadamay nila sa kanilang mga kagaguhan.
Kaya nag-react talaga si Regine, sinabi nitong siya na lang ang bastusin, kahit tawagin siyang pangit, baboy, baka or anything ay kaya niyang tanggapin, huwag na lang daw ang anak niya.
That’s understandable dahil ina si Regine and every mom has the right to protect her child. Nagalit talaga si Regine at nauunawaan namin siya.
Ang next victim nila ay si Sharon. They didn’t spare her on anything.
Ang pinakamasakit of which ay ang paratangan sila ng anak niyang si KC na abortionists.
Nagalit talaga si Sharon, kahit sinuman sa kalagayan niya siguro ay magwawala talaga sa galit.
Kaya after saying her piece ay nagpaalam siya sa kanyang followers na pahinga muna siya sa pag-tweets para lumuwag ang kanyang pakiramdam.
I guess that is the wisest move na puwedeng gawin ni Mega.
It all started with her rift with her aunt tita Helen Gamboa.
Sa gitna ng kanilang tampuhan at pagpapalitan ng hindi magagandang comments sa Twitter, merong ilang oportunistang nag-take advantage sa sitwasyon. Iba ang kanilang agenda, just to piss Sharon off on many other things.
Kaya dalawa lang daw ang nasa isipan ni Sharon na puwedeng gumawa nito, mga Kapamilya (kasi nga umalis na siya sa Dos at lumipat sa TV5, di ba?) or if not, mga supporters ni Piolo Pascual na nagkaroon ng nasty break-up with her daughter KC.
May lumabas pa ngang item na kesyo nagbanta raw si Sharon na magsasalita na sa totoong dahilan sa KC-Piolo break-up bilang ganti sa mga bashers niya sa Twitter.
Sinabi rin daw kasi ni Sharon na wala talaga siyang maisip na mambabastos sa kanya dahil sa loob ng 34 years niya sa industry ay ngayon lang siya nakatikim ng ganitong uri ng panlalait.
At wala raw siyang nasa isip na puwedeng gumawa nito kundi ang fans ni Piolo or mga supporters ng ABS-CBN.
Kaya salamat sa Diyos at wala akong Twitter account, dahil kung nagkataon,
I am now fighting with the world. Ha-haha! Wala pa nga akong Twitter may mga bashers na ako, eh.
At may duda ako kung sino ang mga ito. Asus! Magpaka-Sharon ba? Ha-hahaha!