Mas bumilis nga naman ang kanyang pagsikat nang itambal siya kay Kim sa teleseryeng My Binondo Girl.
At magiging forever grateful daw ang aktor kay Kim dahil diyan.
Sa launching ng bagong pakulo ng Globe Telecoms na Super Facebook kung saan si Xian nga ang napiling endorser, sinabi ng aktor na after ng My Binondo Girl ay nagsunud-sunod na ang swerte sa kanya, kabilang na nga diyan ang kaliwa’t kanang endorsements.
“Sobrang saya ko na they (Globe) gave me the trust. And I’m really happy that the day’s finally here, nandito tayo sa launch.
Excited ako. That’s all I can say,” ani Xian na mas lalong gumuwapo ngayon.
Sa P10 n’yo, unlimited Facebook access na ang ibibigay sa inyo ng Globe for one day.
I-dial n’yo lang ang *143# sa inyong mga cellphone at malalaman n’yo na kung paano maka-avail ng kanilang SuperFB.
At dahil sumentro nga sa Facebook ang usapan, kahit pala ang aktor ay nakaka-experience din ng kung anu-anong paninira mula sa ibang tao, pero aniya, “Hindi pa naman umaabot sa sobrang below the belt, kumbaga, hindi na lang ako nagpapaapekto, I don’t really pay attention that much.
“For me, babasahin ko siya, it’s just good room for improvement din, e. ‘Pag in-analyze ng konti: ‘Bakit kaya nila sinasabi ‘yun?’” hirit pa ng aktor.
“Ang pinakanagulat ako was, these past months, nakaka-receive ako ng, ‘O, I named my baby after you.’ ‘Yung mga ganu’n.
They were saying they named their baby after me, kasi ‘yung iba, Lim na talaga ‘yung last name.
So Xian Lim ‘yung name ng baby!” say pa ng bagong endorser ng Globe kung saan kaliga na niya sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at Gerald Anderson.
Dinenay din ni Xian na may mga natatanggap siyang indecent proposals sa Facebook at Twitter mula sa mga matrona’t bading! Hindi naman daw siya ‘yung ganu’ng klase ng lalaki.