Katrina 3 buwang buntis, singer ang tatay

Yes, it’s confirmed! Buntis nga raw si Katrina Halili at anytime soon ay mawawala na ang karakter niya sa teleseryeng My Beloved ng GMA 7.

Ayon sa nakarating na report sa atin, more or less four months na ang dinadala ni Katrina at unti-unti na ngang nahahalata ang paglaki ng kanyang tiyan.

Though wala pang diretsahang pag-amin, mukhang totoo ngang ang singer na si Kris Lawrence ang ama ng ipinagbubuntis ni Katrina.

Ibig sabihin, hindi nagsabi ng totoo ang sexy actress nang tanungin siya ng press sa launching ng My Beloved tungkol sa relasyon nila ni Kris.

Sinabi kasi niyang magkaibigan na lang sila ng singer at wala na silang seryosong relasyon.

So, hindi pala totoo ‘yun dahil ilang linggo pa lang ang nakararaan ay heto’t buntis na siya kay Kris Lawrence.

Good luck na lang, Kat sa iyong pagbubuntis. Gow!

Read more...