Sa panonood nga raw ng American Idol habang umiinom ibinuhos ni Rayver Cruz ang kanyang sama ng loob at mga emosyong hindi pa masyadong pinakakawalan dahil sa break-up nila ni Cristine Reyes.
Ito ang tsismis na nakarating sa amin the other night habang nasa presscon nga tayo ng “Moron 5”.
Wala pang inilalabas na official statements nina Rayver at Cristine tungkol sa kanilang break-up, pero marami ang nanghihinayang sa relasyon nila dahil akala nga natin ay sa kasalan na mauuwi ang kanilang pagmamahalan.
Totoo kaya na natuto na namang maglasing si Rayver dahil sa sobrang sama ng loob?
Na ginawa na nga niya noong maghiwalay sila ni Sarah Geronimo.
MOST READ
LATEST STORIES