Kasama niya ang buong family niyang dumating from Utah.
“Puro na lang kalyo ang kamay ko kaya pagdating ko dito sa atin, pinamper ko kaagad ang sarili ko. I went to a beauty salon at nagpa-manicure and pedicure.
Pinatanggal ko ang mga kalyo ko. Ha-hahaha! Doon naman kasi sa Utah, hindi uso ang ganito, yung magpa-parlor kung hindi rin lang super importante.
“Then, nagpamasahe ako sa bulag for two hours.
Bukas naman ay magpapa-facial ako sa Ellen’s kaya humanda ang mga mhin, maglalaway na naman sila sa akin.
Ha-hahaha!”, biro ni Ineng Melanie nang magkasama kaming nag-barhop last Thursday.
Pumunta kami sa Zirkoh Morato and Klownz Quezon Avenue para manood ng stand-up acts led by Allan K.
“And in three months, may mga naka-line-up akong TV guestings and some appearances.
I will be very busy in the next days kaya habang hindi pa nag-start ang works ko, magpapa-beauty muna ako,” aniya pa.
Well, see you more often, kafatid. Miss kita sobra, ‘no! Masarap ka kasing kabaklaan. Hindi SERA. Ha-hahaha! Sera means echo-SERA. Naman!