Amerikanong BF ni Jewel Mische ayaw makipag-sex, bawal din ang halikan

jewel mische
Sa maniwala kayo’t sa hindi, hindi pa raw nakikipag-sex si Jewel Mische  kanyang American fiance na si Alister dahil nangako raw sila na hindi magsisiping hangga’t hindi pa sila nakakasal.

Ayon kay Jewel, mismong ang boyfriend niya ang nagsabi sa kanya na irerespeto ang kanyang pagkababae, as in no way to pre-marital sex ang drama ng Kano.

At bukod dito, bawal din silang mag-kiss sa lips dahil ang gusto raw ng guy ay halikan niya si Jewel sa mismong araw ng kanilang kasal.

“When we got together one day, he was like, ‘You know, it would be very hard for me not to kiss you. But I want to wait until we get married, I hope you don’t mind,’” ayon kay Jewel nang nakapanayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa ng aktres, “And I was just shocked! I couldn’t believe what I just heard! That’s just one of the many confirmations that he is the future husband I have envisioned.

“We both have the same biblical mindset. We view sex as a priceless treasure box and as God’s wedding present… Waiting to kiss makes this much more attainable! Oh and did I mention I can’t wait for it?” sey pa ng ex-girlfriend nina Richard Gutierrez at Jason Abalos.

Nabatid na nagkakilala ang dalawa sa isang Christian church habang nagbabakasyon ang guy sa Pilipinas two years ago. Ayon kay Jewel nag-effort daw talaga ang kanyang fiance para hindi sila mawalan ng communication, in fact, binibisita raw talaga siya nito every two to three months.

Nag-propose si Alister kay Jewel noong nakaraang Pasko at ikakasal sa Amerika ngayong winter season. Balak din nilang magpalasal dito sa bansa next year.

Read more...