Julian Estrada: Naging kami ni Julia, minahal ko siya!

julia barrtto
HAYAN, nabuking na naging magkarelasyon pala sina Julian Estrada at Julia Barretto na hindi maamin-amin noon ng dalaga kahit na ilang beses siyang kinukulit ng entertainment media.

Sa presscon ng “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” ay maraming nagulat sa pag-amin ni Julian, sinabi nitong totoong nagmahalan sila ni Julia at totoong naging girlfriend niya ang dalaga.

Na-on-the-spot kasi si Julian sa tanong kung nagmahalan ba talaga sila ni Julia, “My God, yes!” sabay dugtong nito ng, “Be honest.” Sa one-on-one interview ay tinanong namin kung nakailang buwan magkarelasyon sina Julian at Julia, “Six months po (sabay tapik ng handler niya) na sinabi naming, “Okay lang kuya, nagkukuwento naman.”
Sundot namin kung bakit ngayon lang niya inamin at nang si Julia ang tinanong ay itinanggi nito, “We wanted to know ourselves more. We’re still friends now, I’m proud of her ‘coz she has a lot of projects.”

Tinanong namin kung nag-uusap pa sila ngayon ni Julia, “Sometimes,” mabilis na sabi ng binatilyo. Hindi naman daw bad break-up ang nangyari sa kanila, “Hindi po, yeah, naka-move on na po.”

Base sa mga kuwento ay maganda ang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” kaya ang tanong namin sa binatilyo ay paano kung may follow-up movie siya at kung tatanggapin niya, “Tatanggapin po, depende po kay mommy (Precy Ejercito) at kay daddy (Jinggoy Estrada).”

May tanong pa sana kami kay Julian tungkol sa ilang issue sa kanya, pero kaagad na siyang hinila ng handler niyang taga-Star Magic at sabay alis ng venue.

Sa ginanap namang question and answer ay inamin ni Julian na may pressure sa kanya ang pagiging isa sa bida ng “Relaks, It’s Just Pag-ibig” dahil unang pelikula niya ito ngayong binatilyo na siya.

Pero nauna na siyang napanood sa pelikula kasama ang daddy niyang si Sen. Jinggoy, ang “Katas Ng Saudi”, bata pa raw siya doon. “Now, I’m starting again, siyempre po may pressure kasi kine-carry ko po ang name ng dad ko.

But I try my best not to affect me,” aniya. May mga tip daw sa kanya ang ama sa pagpasok niya sa showbiz, “Sabi ng dad ko po, be yourself, be honest po,” kaswal nitong sabi.

Ano naman ang pagkakaiba ni Julian sa daddy Jinggoy niya? “Si daddy kasi ano, suplado, ako friendly, eh. Pag comfortable po ako with people, na kasama ko, hindi po ako naiilang, pero pag kilala ko po, okay naman po.”

May nagsabing mas guwapo siya sa kanyang ama, “Ano, mataba siya (tawanan ang lahat), sexy siya! Ha-hahaha!” nakangiting sabi ng batang aktor.

Samantala, nasa kulungan ngayon ang daddy ni Julian at bilang anak ay ano ang masasabi niya sa pinagdadaanan nito ngayon, “I know naman, Lord knows that he’s innocent and I believe that he will get out of jail soon and I always pray every night for him to get out.

“CD,” banggit ni Julian sa tanong kung paano panonoorin ng ama ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Sobra kaming natuwa sa pagiging totoo ni Julian dahil ganyan klase ang masarap kausap at hindi showbiz ang sagot, at higit sa lahat, magalang na bata maski na Inglesero.

Mapapanood ang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” sa Nob. 12 mula sa Spring Films distributed ng Star Cinema na idinirek nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

Read more...