Jeron Teng binalahura ng netizens, Jane rumesbak

jeron teng
Nilait at binash nang husto si Jeron Teng sa social media and Jane Oineza, his rumored girlfriend came to his rescue. “I hope the bashers will respect Jeron the way he respected, and even defended me during and after PBB.

No one deserves to be bashed. Thanks,” she tweeted. “Would never tolerate any bashing. Never. To anyone. #SpreadTheLove,” say pa ng Kapamilya actress.

Apparently, tinalakan si Jeron ng isang follower na ubod nang taray. Kung anu-ano raw kasiraan ang pino-post nito sa kanyang Twitter account. Parang galit na galit ito kay Jeron dahil napunta sa kanya si Jane at hindi sa PBB housemate na nakasama ni Jane sa Bahay ni Kuya.

Merong nag-advice kay Jane na huwag munang pumasok sa maagang pakikipagrelason, saying, “Jane must be forgetting that its so early in her career to be in love seriously. sana hindi seriously talaga ha! gusto ng fans ng mga love team love team pero pag seryosohan na, me umay factor na and they move to other idols.”

Ang feeling naman ng isa ay sa isang fan base lang naman nanggagaling ang hate message. “Ang hate nanggagaling lang sa Joshane, sana mawala na ang grupong to, wala ng gulo, I’m sure magiging tahimik na ang buhay ni Jane and Joshua..

Tahimik na rin ang JaRons and LoiShuas.“Laging pinagmalaki na kung wala sila wala ng career si Jane, eh mas marami kaya ang JaRons kesa Joshanes plus mga solid Jane, meaning mawala man sila, marami pa ring susuporta kay Jane 🙂

“Tapos na pbb at uaap basketball. Meron pa sila? move on na. Mga starlets eh lol,” one guy commented. Aba, marami pala ang kumokontra sa Jane-Jeron romance.

Bakit nga ba ayaw na ayaw nila sa dalawa? Ang feeling ba nila ay naggagamitan lang ang mga ito? Well, you’re guess is as good as mine. Hindi maitatago ang katotohanan.

Read more...