Boyet kinumpirma ang sakit ni Sandy Andolong

sandy andolong
Binigyang-linaw ni Christopher de Leon ang mga balitang may malalang sakit ang asawa niyang si Sandy Andolong. Kumalat ang nasabing ulat matapos ngang ma-diagnose na may testicular cancer ang anak nilang si Miguel na ginagamot ngayon sa Amerika.

Ayon kay Boyet, totoong may sakit si Sandy pero hindi naman daw malala, tuluy-tuloy daw itong nagpapagamot dahil sa problema nito sa kidney. Alaga raw ng kanilang mga doktor si Sandy.

Ang sabi pa ng aktor, kailangan lang daw regular ang pag-inom ni Sandy ng gamot at tama lagi ang amount ng kanyang kinakain.

Read more...