Derek: Ako na ang pinakamasayang tatay ngayon!

derek ramsay
Nakatutuwang malaman na malaya nang nakakasama ngayon ni Derek Ramsay ang kanyang anak na si Austin Gabriel. Basta libre sa trabaho ang hunk actor ay siguradong susunduin niya ang bata para sila makapag-bonding.

“I’m the happiest dad right now,” nakangiting sabi ni Derek nang magkakuwentuhan kami sa Reliance, hindi na kailangan pang sabihin ‘yun ng aktor dahil kitang-kita naman sa kanyang itsura ang sobra-sobrang saya ngayong tapos na ang giyera nila sa husgado ni Mary Christine Jolly na ina ng bata.

Matindi rin ang pinagdaanan ni Derek nitong mga nakaraang buwan, araw-gabi niyang kakambal ang problema, dahil bukod sa masasakit na salitang ipinukol sa kanya ni Mary Christine Jolly ay parang numipis ang pag-asa niyang makasama si Austin.

“I thought I cannot see my son anymore, nalulungkot ako dahil nasa stage pa lang ako ng pagbawi para sa lost time, matagal ko siyang hindi nakasama, ngayon pa lang sana ako babawi nang husto sa kanya pero nagkaproblema naman kami ng mom niya,” komento ng guwapong hunk actor.

Kung anuman ang pinagkatapusan ng problema nila ni Mary Christine Jolly ay isa lang ang malinaw, ang kanilang pagkakasundo ay para sa kanilang anak, wala ngang magulang na makatitiis sa kanyang supling.

Read more...