Rey ‘PJ’ Abellana, Leny Santos nagbalikan

pj abellana
NGAYONG umaga sa favorite n’yong cooking show with a twist na Sarap Diva, tiyak na maaaliw kayo sa muling pagsasama ng dating sikat na loveteam noong dekada 80 – sina Rey “PJ” Abellana at Leny Santos na mapapanood n’yo uli na sa seryeng More Than Words.

Kasama pa rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, alamin kung ano na ba ang naging buhay nila noong kasikatan ng kanilang tambalan, bakit ito natapos at saan sila napunta nang  iwan ang showbiz.

Samantala, makikigulo naman sa kusina ng Brasserie Cicou si Regine para magluto ng French dish. Makakasama niya rito si Chef Jill Osias. May special appearance pa si Chef Jackie mula sa Del Monte Kitchenomics.

Kaya wag na wag aabsent sa Sarap Diva ngayong umaga na ‘yan, 9:40 a.m. sa GMA lang.

Read more...