Jolina inatake ng nerbiyos sa reunion nila ni Marvin

jolina magdanagal
Aminado ang si Jolina Magdangal na sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon dahil sa dami ng positibong mensahe at reaksyon mula sa iba’t ibang tao kaugnay ng kumpirmasyon niyang siya ay nagbabalik na sa ABS-CBN.

Inihayag ito ni Jolina sa kanyang unang araw ng taping noong Lunes para sa kanyang upcoming drama series na Flordeliza, kung saan makakatambal niya ang kanyang long-time ka-loveteam na si Marvin Agustin.

“Sobra na akong excited at kinakabahan, in a good way, sa lahat ng mga susunod na mangyayari. After 12 years, I’m finally back home,” ani Jolina tungkol sa kanyang homecoming sa ABS-CBN.

“Unang ang nagpa-consider sa akin para bumalik ay ‘yung mga nakatrabaho ko dati on- and off-cam. Una na diyan si Direk Wenn Deramas. Siya kasi ang director sa huli kong movie sa Star Cinema na ‘Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.’ Kaya nang malaman kong siya ang gagawa ng Flordeliza, ang saya-saya ko talaga kasi alam kong hindi ako mahihirapan,” paliwanag ng aktres.

Ngunit bukod kay Direk Wenn, ang magandang kwento ng Flordeliza at ang nami-miss niyang tandem nila ni Marvin ang nagpapayag sa kanyang tanggapin ang bagong Kapamilya project.

“Ibang-ibang Marvin at Jolina ang mapapanood dito. Dahil kung noong teenagers kami ay pinakilig namin sila, ngayon naman ay magugulat sila sa kakaibang roles namin na dapat talaga nilang abangan,” ani Jolina.

Bahagi rin ng Flordeliza si Desiree del Valle at ang mga bagong Kapamilya child stars na sina Rhed Bustamante and Ashley Sarmiento. Ang Flordeliza na unang na napanood bilang isang pelikula ay magsisimula na next month sa ABS-CBN kaya abangan!

Read more...