Wala si Congressman Manny Pacquiao sa ikalawang laban ng kanyang team sa PBA. Matinding kasiyahan ang ibinigay ng Pambansang Kamao sa pagbubukas ng PBA, anim na minuto kasi siyang naglaro, nanalo ang kanyang koponan.
Pero sa ikalawang laban kung saan tinambakan ng Ginebra ang kanyang team ay wala si Pacman, nasa Macau siya, dahil sa pagwe-weigh-in nila ng kanyang makakasalpukan sa lona sa susunod na buwan.
Sa totoo lang, ngayon pa lang ay may mga nagkokomento na tungkol sa pagba-basketball ng Pambansang Kamao, kapag natalo raw siya sa susunod niyang laban ay walang dapat sisihin du’n kundi ang paglalaro niya ng basketball.
Wala raw focus si Pacman, lahat na lang ng laro ay gusto niyang pagharian, sana raw ay sa boksing na lang siya magpakadalubhasa.
In fairness, madisiplina si Pacman, alam niya kung kailan siya magluluwag at maghihigpit sa kanyang pag-eensayo.
Siya ang nakakaalam kung kailan siya dapat tumutok sa mundong pinaghaharian niya. At puwedeng-puwedeng sabihin na jack of all trades si Pacman, master of one, dahil sa dami na ng karangalang ibinigay niya sa ating bayan bilang magaling na boksingero.