KATSIKAHAN namin ang manager ni Angel Locsin na si Manay Ethel Ramos sa Grams resto sa ABS-CBN nu’ng dumating naman ang manager ni Derek Ramsay na si Joji Dingcong.
May meeting daw siya earlier with Star Cinema’s Managing Director Malou Santos.
Yan ay kung magi-stay pa nga si Derek with ABS-CBN, huh!
May mga tsismis kasi na pirmahan na lang ang kulang sa paglipat ni Derek sa TV5. According to our source, malapit daw ang mommy ni Derek kay Manny Pangilinan ng Kapatid network.
But Joji told us to give him until March 30 bago sila magsalita kung saang network na ba talaga mapupunta si Derek
Meron pa rin kasing nilulutong proyekto for Derek na isang teleserye with Angel Locsin, Zanjoe Marudo and KC Concepcion under the unit of Malou Santos.
Sakto naman nu’ng paalis na si Joji saka naman pumasok ng resto ang isa pang manager, si Perry Lansigan na manager naman ni Dingdong Dantes.
Yes, Ka Ervin, may meeting din that day si Perry sa Star Cinema para sa pelikulang gagawin ni Dingdong with Angel, Angelica Panganiban and Zanjoe sa direksyon ni Ruel Bayani.
According to our source, pinayagan daw ng GMA 7 si Dingdong na lumabas ulit sa pelikula ng Star Cinema.
That same day also, pumirma ng kontrata si Iza Calzado sa Star Cinema. Kasama si Iza sa movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo titled “When A Man Loves A Woman” sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
Biniro naman namin si Joji paglabas namin ng resto habang nakatayo naman sa harap namin si Perry, ano ‘to, “Goodbye Derek, hello Dingdong!?” Kaya nagkatawanan kaming lahat.
And speaking of Angel, bukod sa dalawang malalaking projects niya sa ABS, may isa pa siyang pelikula na pang-anniversary offering ng Star Cinema na pagsasama-samahan nila nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Toni Gonzaga.