Pero ‘di raw nangangahulugan na mag-iisip na ang ibang tao na maaaring maging sila na ngayon. At the same time kasi maugong din ang tsismis na sila na ni Xian Lim.
“Kaibigan ko silang dalawa. Pero si Xian ang madalas kong nakakasama,” ngiti ni Kim.
Hindi naman daw niya priority ngayon ang magkaroon ng boyfriend.
Pero okey lang daw sa kanya na may nagpapakilig paminsan-minsan.
Sa ngayon, busy si Kim sa movie niya with Batangas Gov. Vilma Santos, ang “The Healling.”
At ngayong Sabado, si Kim ang tampok sa award-winning drama anthology na Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.
Gaganap na isang bulag si Kim sa MMK ngayong gabi.
Malaking inspirasyon daw ang idinulot kay Kim ng role niya bilang bulag.
Natutunan daw niya lalo na pahagahaan ang lahat ng mga biyayang natatanggap niya dahil sa mga pagsubok na dinaanan ng karakter na ginampanan niya sa MMK bilang si Pauleen Chavez na bukod sa pagiging bulag ay may brain tumor pa.
Makakasama ni Kim sa episode na ito ng MMK sina Miles Ocampo, Anya Aguilar, Ana Capri, John Arcilla, Lui Manansala, Duday at Jaycee Parker. Ito ay sa direksyon ni Nuel Naval.
.