Ellen umaming nakikipag-live in na sa dyowa

ellen adarna
Buong-ningning na inamin ng sexy star na si Ellen Adarna kay Kris Aquino na nakatira na siya ngayon sa bahay ng kanyang boyfriend kasama ang pamilya nito.

Guest ni Kris sa kanyang morning show sa ABS-CBN,  si Ellen at tinanong nga siya ng TV host kung saan siya nakatira ngayon, at diretso nga niyang sinabi na sa house ng guy.

Sundot na tanong sa kanya, kung boto ba sa kanya ang pamilya ng kanyang boyfriend,  “I guess so… Because every time we fight, they’re the ones who say, ‘Stay in the room, don’t go home. We’re going to prepare a bed for you, just stay in the room.’ So I guess they like me.”

Negosyante raw ang ka-live in ni Ellen, “He works for his family, for his dad. He sells bonds and he has a tattoo shop. ‘Yun lang. And a little bit of mining here and there…He’s already 31.”

Read more...