Angelica: 3 years na kami ni Lloydie, pero walang away-away!

angelica panganiban
Sa tatlong taon nilang relasyon, hindi pa nag-aaway sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. According to Angel, she hasn’t had a major fight with her boyfriend simula nang maging sila.

Sa interview sa kanya ng Aquino & Abunda Tonight last Monday inamin niyang medyo “scared” nga siya dahil hindi sila nag-aaway ng dyowa niya despite the fact na lagi silang nasa headlines ng tabloid.

“Never (gor affected). Wala naman pong nakakaapekto sa amin. Siguro kasi po ‘yung relationship namin, masaya lang kami, eh,” says Angelica.
“Medyo nakakatakot na nga po kasi magtatatlong taon na kami, ‘Parang masaya parin tayo, hindi pa rin tayo nag-aaway nang malala,'” she added.

Lagi siyang nagpo-post ng sweet pictures nila ni Lloydie sa kanyang Instagram account, kaya kaya she was asked kung ito ba ang way niya para i-defend ang relasyon nila, “Hindi po. Minsan kasi, gusto mo lang kasi siya i-share.”

Read more...