Totoo ba…John Lloyd dating alkalde ang tunay na tatay?

john loyd cruz
EVERYTIME na napapadpad ako sa ibang kabayanan, lapitin talaga ako ng scoops at magagandang kuwento about any person, place and events. Marami akong nadi-discover na bago kaya I truly enjoy every trip na nararanasan ko.

Without effort ay kusang lumalapit sa akin ang mga kuwento. Cute, di ba? When I was in Legazpi City last Saturday morning with artists Prima Diva Billy at mag-amang Paul and Jim Salas, habang nagkukuwentuhan kami nina Atty. Carol “Ganda” Sabio and Rhondon Ricafort sa veranda ng Oriental Hotel, nakatutok ang mga mata ko sa Mayon Volcano na in fairness ay nagpakita sa amin ng kaniyang kabuuang ganda at anyo.

I immediately squirmed kung bakit hindi ito maipaglaban ng Department of Tourism na gawing 8th Wonder of the World gayong sobrang amazing talaga ng kaniyang natural beauty. Super kasi ang pagiging perfect cone nito compared to the either natural wonders sa bansa natin.

Anyway, on our way to Virac, Catanduanes, nabanggit sa amin ng isang friend (Paulo Ubalde) na once in a while daw ay nagbabakasyon sa kanilang lugar si John Lloyd Cruz. He would fly there incognito – naka-sumbrero, salamin, etcetera – unnoticeable.

Why? Dinadalaw daw nito ang kaniyang amang si dating mayor Cito Alberto (tama ba ang name niya, Paulo?). Itinuro pa nga sa amin ni Paulo ang malawak na lupain ng dating alkalde ng isang bayan sa Catanduanes na dinaanan namin.

Nagulat ako, sa totoo lang. Kasi nga, sa pagkakaalam ko ay tagarito sa Santolan, Pasig ang parents ni John Lloyd. I mean, he lives with his family, including his dad. In short, napaisip ako – nagbuo ng maliit na opinyon, na maaaring ang kinikilalang ama ni Lloydie sa Maynila ay stepdad lang niya or something.

Or baka puwede ring ama-amahan lang niya itong palihim niyang dinadalaw sa Catanduanes. Well, si John Lloyd lang ang tanging makakasagot niyan. Basta ang kuwentong nakarating sa akin ay iyon daw taga-Catanduanes ang tunay na father ni John Lloyd.

Sabi ko naman sa kausap ko, I will try to ask Lloydie kung totoo ang chikang ito. Kung true nga, isi-segue na natin sa kaniya kung sino itong dating mayor Cito Alberto na inuuwian niya roon? Pag nasagot na niya kung sino nga iyon, doon na natin malalaman ang buong kuwento.

Very basic, di ba? Kakaloka!  In due time ay malalaman din natin kung totoo ang chikang ito. Kasi nga, sa Catanduanes ay iyan ang umiikot na kuwento. Pero in fairness sa kanila, nailihim nila ito sa public for the longest time.

Casual naman nilang napag-uusapan iyan doon pag nababanggit. Pero hindi sa pamamaraan ng tsismis ha, yung matter-of-factly and very casual. Ako lang ang nanlaki ang mata – not in shock naman, na-surprise lang nang konti. Ha-hahaha!

Hindi ko pa natatanong si John Lloyd about this. I’m sure Lloydie won’t lie to us. He’s a very honest and decent man after all.

Read more...