Pag-aabroad ba o negosyo? (2)

Sulat mula kay Rico  ng Poblacion, Claveria,  Misamis Oriental
Problema:
1.      May trabaho po ako sa ngayon ang kaso maliit lang ang suweldo ko, kaya naman kahit na may girlfriend na ako at gusto na naming magpamilya, ay hindi pa kami makapagpakasal, kasi wala pa akong ibubuhay sa kanya. Nais ko pong mag-resign sa aking trabaho at mangunutang ako sa kapatid ko na nasa Japan bilang puhunan sa binabalak kong negosyo. Sabi naman ng kapatid ko imbis na mag-negosyo raw ako tutulungan nya na lang akong makapag-abroad.

2.      Saan po ba ako higit na susuwertihin sa pag-aabroad o sa pagnenegosyo? March 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Rico ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sisimulan mo ng mag-aplay sa abroad sa panahong ito, walang duda, papabor sa iyo ang kapalaran, upang pagsapit ng 2015, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ang nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka na ng isang beses, tuloy-tuloy, lagi at paulit-ulit ka ng makapag-aabroad, hanggang sa makaipon ka ng maraming-maraming pera, at kapag maraming-marami ka ng ipon, saka kayo magpakasal ng girlfriend mo at kapag kasal na kayo, saka kayo magnegosyo, higit lalo kung ang girlfriend mo ay isinilang sa petsang 5, 14, at 23 – susuwertehin kayong dalawa sa kahit anong uri ng negosyo.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang suwertehin lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na dilaw at pula. Ang nasabing kulay ang magdadala sa iyo ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Rico kung namimili ka sa panahon ngayo kung ano ang dapat mong gawin upang umasenso, simple lang ang pinapagawa sa iyo ng kapalaran, imbis na magnegosyo, mag-aplay ka sa abroad. Kapag ginawa mo na ngayon ang nasabing pag-aaplay sa abroad sa 2015 sa buwan ng Marso hanggang Mayo sa edad mong 28 pataas, tulad ng nasabi na, may isang mabunga at mabiyayang panginibang bansang itatala sa iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umunlad at umasenso.

Read more...