Grabe na talaga ang social media ngayon, isang post mo lang ay pag-uusapan na, katulad ng nangyari kay John Lloyd Cruz na nasa hotseat ngayon dahil may nagpapakilalang anak daw siya ng aktor.
Kaagad namang pinabulaanan ito ni JLC dahil imposible raw mangyari iyon. Kung edad 16 na raw kasi ang dalagita, ibig sabihin ay 15 lang siya nang makabuntis?
Anyway, hinamon ni Lloydie na dumaan sa tamang proseso ang nagpapakilalang anak niya para matapos na ang usapan. At dahil may binatang anak din si Sylvia Sanchez, si Arjo Atayde, na 23 na ngayon, ay posible ring magkaroon ng anak.
Baka isang araw ay may kakatok na lang sa pintuan ng pamilya Atayde at sabihing anak siya ng aktor. Ang mabilis na sagot ni Ibyang, “Siyempre magugulat, pero tatanggapin ko, pero sasapakin ko si Arjo kasi bakit hindi niya sinabi sa akin? Pero imposible kasi wala ngang sex ‘yan, busy sa taping ng Pure Love, araw-araw na sila, malapit na rin kasing matapos.
Hanggang banyo-banyo lang ‘yan si Arjo,” tumatawang sabi ng magaling na aktres. Dalawang taon nang walang girlfriend si Arjo kaya siguro malakas ang loob ng nanay niya na imposible itong makabuntis.
Hindi rin daw umiinom ang binata kaya malabong nakabuo ito dahil sa kalasingan. But in case mayroon nga, “Madali ako kausap, ipapa-DNA ko agad at siguraduhin lang ni Arjo na tisoy o tisay ang anak niya dahil buong pamilya namin ay tisay, pati mga pinsan niya both sides dahil kung hindi, e, malabo talaga.”
Samantala, proud mama naman si Sylvia dahil maraming pumupuri sa anak niya sa Pure Love, “Mana talaga sa akin. Ha-hahaha! Sana nga magkaroon din kami ng movie project together, ‘yun ang pangarap ko.
Natupad na sa serye, di ba, itong Pure Love, mag-ina kami rito, so movie naman sana sa susunod,” pahayag ng aktres. Speaking of Pure Love, nakuha na ni Diane ang ikalawang pure love tear niya galing sa kaibigang si Jacky, ibig sabihin, isa na lang ang kailangan niya para muli siyang mabuhay.
Last three weeks na lang ang serye nina Arjo, Alex Gonzaga, Anna Luna, Yen Santos)Matt Evans, Yam Concepcion at Joseph Marco.