DJ sa dating lover: Wala ako kung walang Wenn Deramas!

dj durano
Magkaibigan pa rin sina Wenn Deramas at dating boyfriend nitong si DJ Durano sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon noon. Halos 10 taon din kasing naging magdyowa ang dalawa.

“Nagsimula naman po kami bilang magkaibigan so kumbaga binalikan mo lang ‘yon. At saka siyempre iisiipin mo na mas maraming magandang bagay namang nangyari hindi lang ‘yung relasyon, ise-set aside mo ‘yon,” ayon kay direk Wenn sa presscon kamakailan ng pelikulang “Moron 5.2” kung saan kasama nga si DJ.

“Bilang ako naman ay naniniwala na mabuting tao si Durano, so ‘yun siguro ang pinanghawakan ko lang din para maging magkaibigan kami at maging magkaibigan pa hanggang mamatay siya… till the end of time,” dagdag pa ng direktor.

Para naman kay DJ, nagpapasalamat siya kay Wenn dahil itinuring pa rin siyang kaibigan nito pagkatapos nilang maghiwalay, “Okay naman si direk kasi mabait na direktor ‘yan at ever since naman ay magkaibigan kami at ‘yung suporta niya sa akin bilang mentor.

Siya talaga ang gumawa ng DJ Durano. I always say it, kahit sino ang nagtatanong sa akin na walang DJ Durano kung walang direk Wenn Deramas.”

Dagdag pa niya, “Up to now I’m always grateful sa nagawa ni Direk sa career ko at ‘yun, palagi akong nagpapasalamat sa kanya.”  Kamakailan ay inamin nga ni DJ sa harap ng madlang pipol na naging lover siya ni direk Wenn at wala raw siyang pinagsisisihan na pumatok siya sa direktor dahil naging maligaya naman daw siya sa piling nito.

Anyway, showing na sa Nov. 5 ang “Moron 5.2”.

Read more...