Ruffa binastos ni Annabelle, tinawag na ‘Patay Gutom’ ang bagong dyowa

ruffa gutierrez
Pinagpipistahan ngayon ang pag-aaway sa Twitter ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Nagsimula ang kuwento sa diumano’y panghihiya na ginawa kay Ruffa ng kanyang mommy.

Tinawag daw kasing PG, as in patay-gutom, ni Tita Annabelle ang bagong karelasyon ni Ruffa. Dahil sobrang napahiya, nag-walkout ang matangkad na aktres sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang mommy.

Dahil du’n ay naglabas ng emosyon si Tita Annabelle sa kanyang Twitter account, pinangaralan nito si Ruffa na humanap ng lalaking stable na ang buhay, masipag at kayang-kaya siyang buhayin.

Sumagot naman agad si Ruffa na hindi ngayon at ina si Tita Annabelle ay puwede na nitong ipahiya ang kanyang anak sa harap ng maraming tao.
Lumampas na raw sa kagandahang-asal ang mommy niya ayon kay Ruffa, pambabastos na raw ang ginagawa sa kanya ni Tita Annabelle, ‘yun daw ang hindi niya kinakaya.

Mahal na mahal ni Tita Annabelle ang kanyang mga anak, walang puwedeng manakit sa mga ito habang nand’yan ang kanilang ina, pagmamahal pa rin para sa nag-iisa nilang anak na babae ni Tito Eddie Gutierrez ang mas lumulutang ngayon sa hindi nila pagkakaintindihan ni Ruffa.

Isang araw ay magkakasundo rin ang mag-ina.

Read more...