Angelica sa kasalan: Huwag ka nang ma-pressure John Lloyd!!!

angelika panganiban
Inamin ni Angelica Panganiban na choosy na siya ngayon sa paggawa ng mga proyekto. Ito ang dahilan kung bakit bihira na siyang mapanood sa TV at pelikula. Sey ni Angelica sa interview ng The Buzz noong Linggo, ayaw niyang tumanggap ng teleserye o movie na may temang kapareho lang ng mga nagawa na niya.

“Ever since naman, gusto ko talaga kapag may tinatanggap akong project, bago ‘yun. Ayaw kong sayangin yung pera ng mga tao. Ayaw kong sayang ‘yung panahon nila na papanoorin nila ako sa TV or sa pelikula na ‘Ay nakita ko na ito, napanood ko na ito.’

“Gusto ko kapag pinapanood na nila ako, kapag nagbibigay sila ng oras sa akin, sulit ‘yun. Yung ‘Sulit yung pera ko kay natuwa kami kay Angelica ngayon,’” paliwanag ng dyowa ni John Lloyd Cruz.

Chika pa ng Kapamilya actress, mas gusto niya ‘yung may nami-miss siya ng manonood para raw walang sawa factor. “Siguro kasi sobra akong mapili sa trabaho. Siyempre naman yung network nandiyan naman talaga. Hindi ka naman pinpabayaan.

Marami naman talagang mga binibigay sa ‘yong mga option or trabaho kaya lang siguro isa rin ‘yun sa sikreto ko, sa key para siguro mas nanggigigil sa ‘yo ang mga tao,” aniya.

At tungkol pa rin sa pagpapakasal nila ni Lloydie, sinabi ni Angelica na wala pa talaga silang balak na mag-settle down. Nasabi kasi niya sa isang interview na gusto na niyang makasal sa edad na 28.

Sa darating na Nov. 4 ay 28 na siya, “Pwede naman pong 29, pwedeng 30. Madali po magbago ang isip ko so huwag ka ma-pressure Lloydie.”

Read more...