Zoren ayaw nang makatrabaho si Carmina

zoren legaspi
HANGGA’T maaari ay ayaw na munang makasama sa trabaho ni Zoren Legaspi ang asawang si Carmina Villaroel. Kuwento ng aktor, magkaiba raw kasi ang style nila ng kanyang misis sa pagtatrabaho, lalo na sa shooting at taping ng teleserye at pelikula.

Sa taping ng bago niyang soap sa ABS-CBN, ang Forevermore na pinagbibidahan din nina Enrique Gil at Liza Soberano, nakachika namin sandali si Zoren pagkatapos ng eksena nila ng dating PBB housemate na si Kit Thompson.

Dito nga namin naitanong sa kanya kung bakit hindi pa sila nagsasama ni Carmina sa kahit anong show sa ABS. Sey ni Zoren, “Mas prefer ko rin na hindi kami magkasama. Hindi ko lang alam siya. Kasi hindi kami magkatugma sa working habits.

Iba ‘yung kanya, eh, iba ‘yung akin. Kaya ‘pag nagsasama kami…(sumimangot bigla at nagkamot ng ulo).” Dugtong pa ng aktor, “Parang old-school actor kasi ako. ‘Don’t bug me dahil nag-e-emote ako dito.’ Kaya nga minsan, ‘pag merong nagpapa-picture sa set, (nadi-distract) ako.”

Bilib nga raw siya kay Carmina dahil napakabilis nitong magbago ng emosyon, “Siguro dahil iba ‘yung talent niya. Sa taping ratatat nang ratatat ‘yan, pero pag tawag ng direktor ng, ‘O, take na!’ biglang nandoon na siya sa karakter! ‘Cut!’ Tapos daldal uli.

Then take na uli niya, biglang nandoon na naman,” natatawa pang kuwento ni Zoren. Hirit pa nito, “Pag magkasama naman kami sa dressing room, ang ingay nu’ng blower! Sabi ko, ‘Bakit hindi ba maka-imbento ng blower na may silencer? Ang baril nga napaptahimik, blower ba kaya?'”

“Bukod sa blower niyang maingay, maingay din ‘yung make-up artist dahil ang daming kuwento! Kaya kami laging separate. Kaya pag merong commercial, nauuna siya, nahuhuli ako, gano’n. Hindi kami magkatugma doon sa habit ng trabaho. Ewan ko!” natatawa pa ring chika ng aktor.

Read more...