Pag-aabroad ba o negosyo? | Bandera

Pag-aabroad ba o negosyo?

Joseph Greenfield - October 27, 2014 - 01:28 PM

Sulat mula kay Rico ng Poblacion, Claveria,  Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
May trabaho po ako sa ngayon ang kaso maliit lang ang suweldo ko, kaya naman kahit na may girlfriend na ako at gusto na naming magpamilya, ay hindi pa kami makapagpakasal, kasi wala pa akong ibubuhay sa kanya. Nais ko pong mag-resign sa aking trabaho at mangutang ako sa kapatid ko na nasa Japan bilang puhunan sa binabalak kong negosyo. Sabi naman ng kapatid ko imbis na mag-negosyo daw ako tutulungan nya na lang akong makapag-abroad. Saan ba ako higit na susuwertehin sa pag-aabroad o sa pagnenegosyo? March 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Rico ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Higit kang aasenso sa pag-aabroad kaysa sa pagnenegosyo, ito ang nais sabihin ng mahaba at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa dalawang pinamimiliin mong gawin sa buhay mo, negosyo o pag-aabroad, ang  pangingibang bansa ang magdadala sa iyo sa pagtatagumpay at lubos na pag-asenso.
Cartomancy:
Five of Diamonds, King of Clubs at Two of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2015, sa buwan ng Mayo, sa edad mong 28 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending