Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Blackwater
7 p.m. Talk ‘N Text vs Alaska Milk
NAGPIKITANG-GILAS muli si top rookie pick Stanley Pringle para sa Globalport Batang Pier tungo sa pagtala ng 91-81 pagwawagi sa Barako Bull sa kanilang 2015 PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Umiskor si Pringle ng 19 puntos mula sa 8-of-15 field goal shooting at humablot ng walong rebounds sa kanyang ikalawang laro sa PBA.
Natalo ang Batang Pier sa kanilang unang laro kontra NLEX Road Warriors matapos na ang ipinundar nilang malaking kalamangan ay mabura sa huling yugto ng laban.
“It was a total team effort,” sabi ni Globalport head coach Pido Jarencio, na ang koponan ay tinapos ang walong sunod na pagkatalo magmula pa noong nakalipas na Governors’ Cup. “Lesson learned. There were mistakes but totally that was on me.”
“The players really wanted to win. This is a morale-boosting win for the team and the players,” dagdag pa ni Jarencio
Si Alex Cabagnot ang nanguna para sa Batang Pier sa kinamadang 21 puntos na nilakipan pa niya ng siyam na rebounds at apat na assists para sa Globalport na hangad na makabawi ngayong season.
Gumawa naman si Denok Miranda ng team-high 16 puntos para sa Energy, na nahulog sa 0-2 kartada sa ilalim ng bagong head coach nitong si Koy Banal.