Sina Nadine Lustre at James Reid daw ang naging lucky charm nina Teddy Corpuz, Billy Crawford at Jugs Jugueta na tinanghal ngang grand champion sa Magpasikat Week ng It’s Showtime para sa 5th anniversary celebration ng noontime show.
Ayon sa mga JaDine supporters, swerte talaga ngayon ang magka-loveteam dahil lahat ng mga ginagawa nila ay talagang bumebenta sa manonood.
Kaya naniniwala sila na sinwerte ang “Team TBJ” (Teddy, Billy at Jugs) sa pagkuha kina James at Nadine, bukod pa sa napakagandang production number nila na tinawag na “Whatchamacall8,” kung saan gumamit sila ng colorful props, humahataw na dancers, at mock TV commercials kung saan lumabas nga ang tatlong champions ng laban.
Nalaman din namin na ang ipinamigay na premyo ng grupo (P90,000) sa isang miyemro ng studio audience na bahagi pa rin ng nasabing production number ay tunay na pera at talagang ibinigay na sa nakakuha nito.
“Wow!!! Thank you so much po!!! I’m so proud of what we did, Team #TBJ!!! Thank you so much to everyone who made this possible!!! Love love love to us all!” ang mensaheng ipinost ni Billy sa kanyang Instagram account matapos silang tanghaling winner kung saan tumanggap sila ng P300,000 na ido-donate sa kanilang napiling charity.
Sina Vhong Navarro at Jhong Hilario ang nagwaging first place, habang ang team naman nina Anne Curtis at Coleen Garcia ang second placer. Ang napanalunan nilang P200,000 at P100,000 respectively para sa kanilang chosen charities.
Ang team nina Kim Atienza at Karylle, at ang tandem nina Ryan Bang at Vice Ganda ay tumanggap ng consolation prizes na ido-donate din nila sa napili nilang charities.
Ilang sandali lang matapos ibandera ang grand champion, ang hashtag na #TeamTBJ ay mabilis na naging number one worldwide trending topic saTwitter.