NAKAKALOKA ang nakarating sa aming chika na ewan kung may katotohanan o gawa-gawa lang. Reportedly, Marian Rivera caught the ire of one of the executives of the product she was endorsing. Pinahirapan daw niya kasi ang namamahala sa promotion ng produkto.
Ang chika, namimili pa raw si Marian kung saang lugar siya pupunta para sa tour ng kanyang ini-endorse. Talagang pinili niya ang kanyang balwarte, ang Cavite.
Okay na sana ‘yon kaya lang ay ang tagal daw mag-decide ng kanyang management kung saang lugar talaga siya magpo-promote. Dusa to death daw ang coordinator ng promo tour.
Ang nakakaloka pa, panay lang naman daw ang sigaw ni Marian noong promo tour na nila sa Cavite. Para raw itong walang ka-poise-poise kung magsalita. Anyway, ang latest chika, ayaw na raw i-renew ang kontrata ni Marian para sa produktong iyon.
Isang sikat na sikat na actor ang napipisil para ipalit sa kanya. Any comment Marian? O baka naman meron kang side of the story Rams David, feel free to contact us.