Andre Paras naghamon, handang ikumpisal ang kasalanan ng ina

andre paras

Habang nasa America din ang brother ni Andrei Paras na si Kobe for his scholarship program on basketball sa UCLA, panay din ang pagtatanggol nito sa kapatid sa mga social media bashers.

Simula kasi nang pumutok ang balitang pinalad na makapag-aral at makapag-train ng basketball si Kobe sa UCLA, dumami uli ang netizens na pumupuna sa tila pandededma raw nito sa saloobin ng nanay nilang si Jackie Forster, na naging super proud sa mga posts nito sa kanyang social media accounts.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na hinamon ni Andrei ang mga nanghuhusga sa kanila bilang mga walang kuwentang anak sa nanay nilang si Jackie Forster. Nakahanda raw siyang makipag-usap nang masinsinan sa mga taong nanghuhusga sa kanila bilang mga walang kuwentang anak ni Jackie dahil wala raw naman alam ang mga ito sa mga  naranasan nila sa piling ng ina.

Read more...