Juday kay Ryan: Halika na, magbuntis na uli tayo!

judy ann santos
Nagdarasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na makabuo na sila ng isa pang baby bago matapos ang taon. Handa na si Juday na mabuntis uli ngayong malalaki na ang mga anak nilang sina Yohan, 9, at Lucho, 4.

Sey ni Juday talagang nakaplano na ang pagbubuntis niya this year, “Honestly, after I gave birth, siguro mga after six months, sabi ko nga kay Rye (palayaw ni Ryan), ‘Halika na, magbuntis na ulit tayo.’ Para isang payatan na lang.

Pero come to think of it, inisip ko, parang siguro, para namang pinahirapan ko nang husto ang sarili ko.  “Na bakit naman magkasunod na bagets yung gusto kong alagaan, hindi ba? Bakit hindi ko muna palakihin?

Tapos ngayon, nu’ng nakikita namin na yung mga bata na malalaki na sila, puwede na silang utusan, puwede nang maghugas ng pinggan, puwede nang magbayad ng bills e puwede na.

Puwede nang sundan, puwede ka nang lumarga papuntang ibang bansa nang kayu-kayo lang. “So ayun, pina-project namin. At saka kailangan kasing i-timing dahil may mga naoohan kaming projects, and kailangan ding mag-ipon, mga pasukan, andiyan ang enrollment, may mga maintenance ng bahay.

“So maraming considerations na kailangang i-take bago gumawa ng isa pang baby.  Pero ngayon na malalaki na sila, pini-pray namin na sana, hopefully, makahabol kami this year,” sey pa ni Juday sa isang interview.

Read more...