HUMIHINGI ng P2 bilyong pondo ang isang solon upang makapagpatayo ng state-of-the-art at highly scientific sports complex na magsisilbing training center ng mga national athletes.
Sinabi ni Davao del Norte Rep. Anthony del Rosario na 86 taon na ang Rizal Memorial Sports Complex na nagsisilbing training ground ng mga national athletes at matagal na dapat itong napalitan kung hindi man inayos.
“Our expectations must be coupled with support and action. If we want a brighter future for Philippine sports, we must find ways to improve the competitive edge of our athletes because we owe it to our national athletes to give all the best possible training opportunities so they can excel in international competitions,” ani del Rosario sa panukalang National Amateur Sports Training Center Act (House Bill 4906).
Sinabi ni del Rosario na hindi rin akma ang kapaligiran ng RMSC para sa mga nagsasanay na atleta.
“What is critical and most important is giving the athlete an access to an environment that can provide advanced and scientific trainings. Unfortunately, RMSC falls short of the requirement,” ani del Rosario. “With its location at the heart of the Manila and all the noise and air pollution, the RMSC has ceased to become an ideal environment for athletes.”
Kapag naipatayo na ang nasabing sports center, taun-taon ay lalaanan din ito ng P55 milyon sa ilalim ng national budget upang mapanatili ang kaayusan nito.
Ang perang kikitain nito ay ilalagak sa National Sports Development Fund na maaari lamang gamitin sa maintenance, operation at management ng National Amateur Sports Training Center.
Gagawin ding exempted sa pagbabayad ng buwis ang sports center.