Kabaklaan nina Ogie, Wendell, Edgar di papasa sa MTRCB

ogie alcasid

Naloka kami sa isang music video na ginawa ni Ogie Alcasid for one of the shows ng Kapatid network. Nakita kasi sa music video ang subtle kiss between Edgar Allan Guzman and Wendell Ramos.

They were captured sharing a hose at biglang nag-kiss. Makapasa kaya sa MTRCB ang said video? We doubt kung maipalalabas ito sa TV.
Ipinakita ni Ogie Alcasid ang buhay ng pamhintang bakla sa kanyang music video na ginawa.

Kumpleto ang video – it has a story and music. Ang role ni Ogie  ay isang pamhinta na sinusundan ang mga activities ng kapwa niya pamhinta na si Edgar Allan na kaulayaw naman si Wendell.

Nahuli niyang naglalandian sa kalye ang dalawa na merong hawak na hose at nang i-try ni Wendell na uminom ng tubig mula sa hose ay naglapat ang lips nila ni Edgar Allan.

There was one seem na parang threesome ang labas nina Wendel, Edgar Allan at Ogie na kuha sa banyo. Baklang-bakla ang music video kaya naman we doubt kung makakapasa ito sa panlasa ng MTRCB.

Hindi kaya mamemohan ang TV 5 dahil sa controversial music video na ito ni Ogie? Ang nakakaloka pa, merong cameo appearance si Regine Velasquez sa music video.

Read more...