Cristine biglang hiniwalayan si Rayver

Dahil daw sa isang lalaking nagngangalang ‘Sweety’

KUMPIRMADONG hiwalay na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes, tumagal din ang kanilang relasyon ng isang taon at anim na buwan.

Pero hindi na kami nagtaka dahil base  sa obserbasyon ng mga taong nakapaligid sa dalawa hindi na sila nagpapansinan, lalo na  sa ASAP 2012.

Mga taong nakakita sa mismong studio ng ASAP ang nagkuwento sa amin na napansin nilang away-bati sina Rayver at Cristine simula ng umere ang Dahil Sa Pag-Ibig at nakasabay din namin sa elevator ang bossing ng nasabing programa at inamin nga niyang, “Naku, alam mo naman sina Rayver at Cristine, parating ganu’n, mga bata pa kasi.”

Sa madaling salita ang away-bating relasyon ay natuldukan na  noong Lunes lang.

Naikuwento rin sa amin na nakita sina Rayver at AA (tawag kay Cristine) ng director ng ASAP at head ng Star Magic na si Johnny Manahan (Mr. M) na nagkukulitan na ikinatuwa ng TV executive,  dahil ibig sabihin ay okay na okay ang dalawa taliwas sa nababalitang on the rocks na ang relasyon sila.

Pero noong Miyerkules ay nagsimula nang maglabasan sa Twitter na hiwalay na nga sina Rayver at AA at ang itinuturong dahilan ay isang nagngangalang “Sweety”.

Hmmmm, teka, hindi naman Sweety ang tawagan nina Rayver at Cristine kundi, “Beh”. ‘Yan din ang narinig naming tawag ni Cristine kay Rayver noong ipa-presscon sila sa isang serye. So sino si Sweety sa buhay ni Cristine?

Anyway, tinatawagan din namin ang manager ni Rayver na si Albert Chua kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito pero hindi kami sinasagot at kapag ganyan, iisa lang ang ibig sabihin, kumpirmado nga na hiwalay na ang dalawa at gusto na lang nilang manahimik.

Sinubukan din naming tawagan si Cristine, pero hindi rin niya kami sinasagot.

At kung kilala nga namin ang aktres, it’s a YES! Break na talaga sila ni Rayver.

Isa pang nakuha naming tsika ay dahil nali-link si Cristine sa lead actor ng Dahil Sa Pag-Ibig, kinausap daw ng head ng Star Magic ang artista nila para ipaalam ang tungkol dito at agad naman daw kinausap ng nasabing lead actor si Rayver sa dressing room ng ASAP noong Linggo.

Nakita raw na nag-uusap nang masinsinan sina Rayver at ang lead actor.

Ano naman kaya ang naging takbo ng usapan? As of now ay hinihintay namin ang panig nina Rayver at Cristine sa isyung ito.

Read more...